10 official entry ng MMFF 2023 extended sa mga sinehan hanggang Jan. 14

10 official entry ng MMFF 2023 extended sa mga sinehan hanggang Jan. 14

PHOTO: Facebook/MMDA

SA mga nais pang humabol sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023, pwedeng-pwede pa kayo manood hanggang sa susunod na linggo!

Extended kasi nang hanggang January 14 ang pagpapalabas ng 10 film entries sa mga lokal na sinehan.

‘Yan ang masayang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isang Facebook post kamakailan lang.

Ayon kay MMDA Chair Don Artes, ang pagpapalawig nito sa mga sinehan ay dahil sa mga kahilingan na rin ng marami sa pamamagitan ng social media.

“Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik. Moviegoers, may mga karagdagang araw pa para panoorin lahat ng MMFF entries,” sey ng chairman sa isang pahayag.

Baka Bet Mo: Alden naarburan ng shades worth P70k habang nasa MMFF 2023 parade

Ani pa niya, “Truly, MMFF 2023 is a certified box office hit. This is a good sign as we gear up for the Manila International Film Festival (MIFF).”

Magugunita na ilang oras bago i-anunsyo ang extension, umabot sa mahigit P1 billion ang kabuuang kinita ng 10 official entry sa last day ng taunang film fest.

Ang 2023 edition na nasabing film festival ay ang mga sumusunod: “Rewind,” “Mallari,” “Firefly,” “GomBurZa,” “When I Met You in Tokyo,” “Family of Two,” “K(ampon),” “Becky & Badette,” “Penduko,” at “Broken Heart’s Trip.”

Organized by the MMDA, ang layunin ng film festival ay para ma-promote at ma-enhance ang ang preservation ng Philippine Cinema.

Ang mga kikitain ng MMFF 2023 ay mapupunta sa ilang beneficiaries sa film industry, kabilang na riyan ang Movie Workers Welfare Foundation Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy Council, FDCP, at Optical Media Board.

Ang mga nabanggit na film entries ay nakatakda ring ipalabas sa upcoming Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles, California simula January 29 hanggang February 2.

Read more...