Francine kinarir ang pagiging singer, nakipag-collab sa Korean artist
MUKHANG may pasabog na dapat abangan sa Kapamilya young actress na si Francine Diaz.
Sa isang interview with ABS-CBN, ibinunyag ni Francine na nagkaroon siya ng music collaboration kasama ang isang Korean artist.
Hindi pa pwede idetalye ng aktres ang iba pang impormasyon, pero ito ang dahilan kaya nagtungo siya sa South Korea noong Disyembre.
“Well, we went to Korea last month, December 29, nag-record po kami ng song doon,” kwento niya.
Sey pa niya, “Ito po ‘yung sinabi ko noon with Ms. Jaime Rivera na meron ako song na gagawin with a Korean artist. ‘Yun na lang po ‘yung pwede ko sabihin, as of now.”
Baka Bet Mo: Pagkanta ni Julie Anne ng ‘Voltes V: Legacy’ theme song pak na pak sa mga fans: ‘Proud moment for me!’
“This year din po ang release namin. Maybe next month,” ani pa ng young actress.
Aminado rin si Francine na never niya nakita ang sarili na sasabak din sa mundo ng musika, pero thankful daw siya ngayon dahil marami siyang natututunan, lalo na pagdating sa pag-e-express ng kanyang sarili.
“Hindi ko din po akalain na mapapasok ko ang singing industry kumbaga. Masaya naman ako natuto po ako sa mga nakakasama,” sambit niya sa panayam.
Sa huli ay tila hindi na nakatiis ang aktres at nagbigay na ng clue tungkol sa ilalabas niyang first-ever collaboration song with a Korean artist.
“An English version of a Korean song na ginawa din niya but this time naman may POV ng girl,” pagbabahagi niya.
Ngayong taon, asahan na magkakaroon pa ng ilang collab si Francine kasama ang ilan pang local artists.
Kung matatandaan, Nobyembre ng nakaraang taon nang tinanggap ng aktres ang hamon na makapag-record ng kanta para sa pinakabagong record label ng ABS-CBN, ang “Inspire Music.”
Kasama ni Francine sa kantang “Faith, Hope and Love” ang award-winning OPM icon na si Jamie Rivera, na siya ring head ng Inspire Music, pati na rin sina KD Estrada at Jed Madela.
Isa si Francine sa mga featured artists ng nasabing record label.
Ang mensahe na nais ibandera sa likod ng “Faith, Hope and Love” track ay world peace.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.