MAS lalong ginanahang mag-produce ng mga pelikula para sa taong 2024 ang may-ari ng BG Films International na si Baby Go.
Ito’y dahil na rin sa tagumpay ng Metro Manila Film Festival 2023 na nagtapos na kahapon, January 7. Pero tuloy pa rin ang pagpapalabas sa mga sinehan ng ilang official entry.
Nakachikahan namin kamakailan si Miss Baby Go na isa sa mga independent film producers na noon pa ay talaga namang nagmamalasakit na sa movie industry.
May 17 pelikula nang nai-produce si Baby Go nitong mga nakaraang taon, kabilang na riyan ang award-winning film na “Latat” kung saan nanalong best actress si Lovi Poe at best actor naman si Allen Dizon sa 10th International Film Festival Manhattan.
“Siyempre bilang producer, lahat matutuwa din na sila ay kumita din at lumalaki at pinapabalik ang dating sigla ng showbiz. Kasi, talaga namang nawala.
Baka Bet Mo: Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything
“Masaya ako kasi bumabalik na ang sigla ng mga producers at mga artista. Nandito pa rin sa puso ko ang pag-produce,” ayon kay Ms. Baby.
Ngayong 2024, susubukan daw uli niyang makapag-produce ng pelikula, “Nag-focus lang ako dati sa subdivision ko, pero ngayon, gagawa na ako uli. Pero i-showing ko muna yung movie ko na tapos na.
“Alam n’yo naman kung gaano ko kamahal yung showbiz. Nandiyan pa rin ang BG Productions,” aniya na ang tinutukoy na natapos na pelikula ay ang “AbeNida” na idinirek ni Louie Ignacio, starring Allen Dizon, Katrina Halili, Vince Rillon, Joel Lamangan, Ina Alegre, Leandro Baldemor at Ms. Gina Pareño.
Baka Bet Mo: Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…
Nakasali na ito sa iba’t ibang international film festivals kabilang na ang Danang International Film Festival sa Vietnam, sa International Imago Film Festival di Civitella del Tronto sa Italy, kung saan nanalong Best Actor si Allen, at sa Asian Barcelona Film Festival sa Spain.
Nakatakda na rin itong lumaban sa Cinemaking International Film Festival sa Bangladesh.
Samantala, pangarap naman ni Baby Go na makagawa ng pelikula with Nora Aunor and Vilma Santos.
“Tutuluyin ko ‘yan one day. Nasa pipeline na ‘yan. Wala pa akong material pero naka-line up na ‘yan. Nag-comeback na si Vilma with her Till I Met You in Tokyo where she won best actress. We can negotiate na a project with her,” sabi ng producer.
“Marami akong planomg gawin dahil gusto kong bumalik ang sigla ng showbiz. Ayoko munang sabihin lahat ng plano ko. Mas maganda ‘yung nangyari na,” pangako ni Baby Go.