Rica nakipagsagutan sa basher dahil sa kabaklaan: Na-shock lang talaga ‘ko
“NAKIPAGBARDAGULAN” ang aktres at digital content creator na si Rica Peralejo sa isang netizen na hugot na hugot sa isyu ng kabaklaan.
Talagang inalmahan ni Rica ang pagkuwestiyon ng naturang hater sa kanyang pagiging Christian dahil sa pagsuporta raw niya sa mga kabadingan.
Nakatikim tuloy ang basher ng sermon kay Rica na grabe naman talaga ang ginawang panghuhusga sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Nag-comment kasi si Rica sa isang pop culture blog sa Instagram account na may handle name na @90skabaklaan kung saan naka-post ang poster ng 2000 youth-oriented TV show na “H2K Girls” na pinagbidahan noon nina Rica, Anne Curtis, Matet de Leon, Vanna Garcia at Aiza Marquez.
Baka Bet Mo: Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids
Dahil dito, sinita nga ng naturang netizen ang pagsuporta raw ni Rica sa blog kung saan ibinabandera raw ang mga “kabaklaan.” Ang the height pa rito, dinamay pa ng hater sa galit niya ang asawang pastor ni Rica na si Joseph Bonifacio.
“Sorry Ms. Rica pero db asawa kayo ng pastor? Bakit niyo sinusupport ang ganitong about Kabaklaan. So pati mga 3rd gender allowed Narin mag exist?? Sorry pero nakakaturn off lang Ms. Rica.”
Resbak sa kanya ni Rica, “If abt 3rd gender, grabe ka naman. Kailangan mamatay bata hindi pumasok na two genders mo, ganun ba? MU tayo. Turned off din ako sayo.”
Pero palaban ang basher at sinagot din ang aktres, “Sana lang basahin niyo ulit ang bible, walang nag eexist na 3rd gender sa bible. Baka lang nakakalimutan niyo po. Salamat.”
Ipinagdiinan naman ni Rica na hindi galit at paghusga ang itinuturo sa Bible kundi, “truth AND love.” Kinondena rin niya ang “canceling” na pinaiiral ng netizen na hindi raw itinuturo ng Diyos.
View this post on Instagram
Sinagot din ng celebrity mom ang nagsabing hindi na lang daw sana niya pinatulan ang basher.
Pero depensa ni Rica, “I could have not answered. Or have been safer with my reply. BUT the human and Christian in me cannot be settled about a mindset that disqualifies the existence of another. That is a bit too much for me.”
Hindi rin daw niya mapigil ang sarili sa pagpatol sa basher dahil sa sinabi nito laban sa LGBTQIA+ community na, “THEY SHOULD NOT EXIST.”
“Cancelling a group of people is different from saying I may not agree with them…
Baka Bet Mo: Rica: Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko…napagod ako!
“Nashock lang talaga ako sa use of word nya na EXIST. You basically just implied their eradication if they should not change. It’s so far from how GOD is,” ang punto pa ng aktres.
Dugtong pa niya, sana raw ay matigil na ang pagiging judgmental ng ilang tao, “My heart breaks everytime someone is cancelled just because they don’t fit the mold of the faith.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.