Rica Peralejo ibinandera ang ‘proof’ na naka-graduate

Rica Peralejo ibinandera ang ‘proof’ na naka-graduate: Baka akala nyo di ko natapos…

Pauline del Rosario |May 06,2023
facebook
share this

Rica Peralejo ibinandera ang ‘proof’ na naka-graduate: Baka akala nyo di ko natapos…

Pauline del Rosario - May 06, 2023 - 11:06 AM

Rica Peralejo ibinandera ang ‘proof’ na naka-graduate: Baka akala nyo di ko natapos…

PHOTO: Instagram/@ricaperalejo

PARA mawakasan na ang pagtatanong ng maraming netizens, ibinandera na sa social media  ng dating aktres na si Rica Peralejo ang mga pruweba na nakapagtapos siya ng pag-aaral.

Sa Instagram post, inisa-isa na ni Rica ang mga pangyayari sa kanyang graduation day.

Bumungad sa Ig video ang kanyang graduation picture kalakip ang nakasulat na, “Yes I did! Graduated in 2012!”

Makikita rin na sinabitan siya ng medalya ng kanyang ina.

Present din ang kanyang mister na si Joseph Bonifacio na kung saan ay makikitang nakasuot pa ng toga si Rica.

“‘Cause I got married in my last year as a student. Hehe,” paliwanag ng dating aktres.

Nakwento pa niya sa nasabing post na nakapag-hiking pa siya sa bundok sa araw ng kanyang graduation.

“Morning of my grad, I hiked Mt. Maculot and when I got down from the mountain, I just dressed up and went straight to March,” chika niya sa IG post.

Baka Bet Mo: Rica Peralejo hinangaan sa post tungkol sa ‘self-love’

At ang last pictures na ibinahagi niya sa Ig post ay ‘yung memorable experience niya na nakapagpasa siya ng kanyang thesis.

Ayon sa dating aktres, ang daming kumukwestyon sa kanya kaya naisipan niyang ibahagi ito sa social media.

“Dami niyo nagtanong hahahahahhaha baka akala niyo ‘di ko natapos. Ito na ang photos…and more kwento hehe [heart emoji],” sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)

Libo-libong netizens naman ang napa-wow sa “graduation proof” ni Rica at lalong humanga sa dating aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“beauty and brains [red heart emoji].”

“I was intrigued by what course you took up on in college ’cause you really are good at constructing sentences, then I Google it [laughing emoji] I found AB literature.”

“You’re indeed an inspiration to everyone Ms. @ricaperalejo. We love & support you always [emojis].”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie sa paghihiwalay nila ni Jake: Akala ko siya na, akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak

Rica: Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko…napagod ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending