Kylie sa paghihiwalay nila ni Jake: Akala ko siya na, akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak | Bandera

Kylie sa paghihiwalay nila ni Jake: Akala ko siya na, akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak

Ervin Santiago |June 01,2022
facebook
share this

Kylie sa paghihiwalay nila ni Jake: Akala ko siya na, akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak

Ervin Santiago - June 01, 2022 - 07:25 AM

Kylie Verzosa at Jake Cuenca

“BREAKUP siya na akala ko na hindi ko na siya mararamdaman ever.” Ganyan inilarawan ni Kylie Verzosa ang paghihiwalay nila ng hunk actor na si Jake Cuenca.

Pag-amin ng beauty queen-turned-actress, hindi raw niya inakalang sa hiwalayan din mauuwi ang tatlong taon nilang relasyon ni Jake.

Sa bagong vlog ng TV host-comedia na si Vice Ganda, nagbahagi ng ilang detalye si Kylie sa breakup nila ng aktor. Aniya, talagang love na love nila ni Jake ang isa’t isa kaya umasa siya na ito’y pang-forever na.

“Akala ko siya na. Alam mo yung ganu’n? Hindi masyado. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak, akala ko siya na, pero… tsaka nagmahalan kami, we loved each other,” sabi ni Miss International 2016.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Aniya pa, “Sobrang happy kami sa relationship, and sobrang grateful ako sa relationship. Hindi ako in shock, pina-process ko pa talaga lahat, process siya.”

Maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay matapos makapag-usap nang masinsinan pero inamin ni Kylie na hindi agad nag-sink in sa kanya ang nangyari.

Hanggang sa mangyari na nga ang pag-iyak niya sa “It’s Showtime” noong April 9, kung saan naging hurado siya sa segment na “Showtime Sexy Babe”.

Dito, naka-relate raw ang dalaga sa pinagdaraanan ng isang contestant sa kanyang lovelife na nagsabing kahit daw maliliit na bagay ay pinag-aawayan na nila ng kanyang boyfriend.

Nagbigay naman si Vice ng reaksyon sa pahayag ng contestant, “Minsan kasi confusing ‘yan, na ito ba ay isang pagsubok lang ulit? Na bukas lalampasan namin ‘to o sign na ito na dapat tapusin na?

“Kasi hindi ka naman laging nakikipaghiwalay, para sa akin lang naman, hindi mo naman laging tinatapos ang relasyon dahil… hindi naman laging natatapos ang relasyon, dahil naubos na ang pagmamahal mo.

“May mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito,” sabi pa ng komedyante.

Hirit pa ni Vice, ito kaya ay bagong pagsubok o senyales nang kailangang tapusin na ang relasyon. Sa puntong ito, napagbalingan ni Vice ang beauty queen, “Uy, si Kylie nag-iisip. May pinagdaraanan ka bang challenge o may nakikita kang sign?” At dito na nga napaluha si Kylie.

Paliwanag ng dalaga kay Vice sa nasabing eksena, “Parang nagulat kasi ako nu’ng sinabi mo yung line na yun, kung challenge nga lang ba yun o sign, swak na swak kasi yun sa pinagdadaanan ko noon. Wala ako kausap, wala akong pinagsasabihan.”

Aniya, mas ginusto muna niyang sarilinin ang nararamdaman niya that time, “Choice ko siya at that moment na hanggang dito na lang muna yung masi-share ko.

“So, hindi ako nag-share sa ibang tao, pero mainitin ang ulo ko nu’n, e, as in nararamdaman ng tao na may pinagdaraanan ako pero hindi ko siya masabi, ganu’n lang ako na tao.

“Kasi sobrang fresh, sobrang bago tsaka parang hindi ko pa talaga na-process lahat nu’ng bagay, tapos hinayaan ko lang, in shock, ayaw ko magbitaw ng mga salita na pagsisisihan ko sa dulo.

“Kaya kapag hindi ko pa na-fully processed, hindi ko pa masasabi, hindi ko pa sasabihin,” paliwanag niya.

Kaya naman nag-decide siya na mag-disconnect muna sa reyalidad ng buhay, “Kailangan ko kasi i-process lahat, isipin lahat. Maano kasi ako na tao, e, ma-analytical. Bago pa magsasalita ang tao, naisip ko na kung ano ang sasabihin niya, kung ano ang sasabihin ko, ganu’n ako.”

“Breakup siya na akala ko na hindi ko na siya mararamdaman ever,” aniya pa.

Nilinaw din niya ang balitang sobrang nanghinayang siya sa  tatlong taong relasyon nila ni Jake, “Parang narinig ko sa ibang tao na parang sayang. Pero para sa akin, hindi kasi siya sayang, natulungan namin ang isa’t isa, nagtulungan kami sa isa’t isa.

“So, para sa akin, hindi yun sayang. Nag-grow kami together as individuals, so bakit siya sayang?” diin pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Kylie, wala siyang galit na nararamdaman kay Jake o sa sarili niya matapos ang breakup.

Barbie sa biglang paghihiwalay nila ni Diego: Hindi siya bad breakup, hindi rin kami magkaaway

Herlene Budol may ibinuking tungkol kay Jak Roberto: Akala ko ano siya…hindi pala!

Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss…#truth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending