Netizens ‘nakulangan’ sa P75,000 offer ni Boss Toyo kay Jiro Manio

Netizens 'nakulangan' sa P75,000 na ibinigay ni Boss Toyo kay Jiro Manio

Jiro Manio

UMANI ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang ginawang pagbebenta ni Jiro Manio ng kanyang Gawad Urian trophy sa social media content creator na si Boss Toyo.

Matatandaang kahapon lang nang maging laman ng mga balita ang pagbisita ng dating child actor kay Boss Toyo upang ibenta ang isa sa mga awards na kanyang napanalunan para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Magnifico”.

Marami ang naantig nang muling makita si Jiro matapos ang ilang taong pamumuhay nito ng pribado.

Isa kasi ang dating child star sa mga hinahangaan artista magpahanggang ngayon.

Kaya naman marami ang nanghinayang nang makitang ibinibenta ni Jiro ang kanyang napanalunang tropeong tanda ng pagkilala sa kanyang galing sa pag-arte.

“Ang sakit sa puso na ibebenta mo ang isang bagay na dugo’t pawis mo para sa iba isang tropy lang sya, pero ‘yun pangarap at alala kalakip ng trophy na yan ay walang katumbas. Maraming Salamat sa pagpapahalaga, Boss Toyo. Mabuhay ka at ang mga sumusuporta sa’yo. God bless,” saad bg isang netizen.

Baka Bet Mo: Jiro Manio ibinenta ang Gawad Urian trophy kay Boss Toyo

Comment ng isa, “priceless yang award ni Jiro, hindi basta-basta nabibigyan ng ganyang award ang kahit na sinong artista. Pinaka mahusay, dugo’t pawis ang pinuhunan nya dyan.”

Ang iba naman ay naliliitan sa natanggap na offer ng dating child star dahil isang malaking karangalan ang ma-recognize sa Gawad Urian.

“Mababa ang na negotiate ni Jiro sa price. Kung ako ang tatanungin mo kung may ipambabato tayo na movie para ilaban ulit internationally. Magnifico ang unang naiisip.. thats ok Jiro. Sana mag ka break ka ulit sa Movie Industry. Baka mas maraming blessings ang dumating because of this episode,” sey ng isa.

Baka Bet Mo: Netizens nanawagan kay Coco na kunin si Jiro Manio sa ‘Batang Quiapo’

Dagdag pa ng isa, “Grabe naman 75k lang. Kay Jiro Manio, may pag-asa ka pa. Since marami ka na pinagdaanan sa buhay, if ayaw mo na ng acting, try to be a social influencer nalang. Content mo yung buhay mo as volunteer sa rehab. For sure marami ka mahahakot na subscriber. It that way kikita ka rin.”

Ang ilan naman ay nagsasabing sana ay may maging parte rin si Jiro sa kikitain ng vlog ni Boss Toyo lalo na’t umani ito ng maraming views mula sa madla.

Read more...