ILANG araw matapos ang pag-iisang dibdib, ibinandera ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa mister na si Gregg Homan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Angelica ang ilang black and white photos ni Gregg na karamihan ay ipinapakita na buhat-buhat ang anak nila na si baby Amila.
Kalakip niyan siyempre ang kanyang “appreciation post” para sa mister.
Caption niya, “Dada, thank you for everything that you do.”
“Thank you for carrying the heavier load. I appreciate you. I love you,” ani pa ni Angelica.
Baka Bet Mo: Angelica ikinasal na kay Gregg Homan: ‘Patuloy na maniniwala sa pag-ibig’
Sa comment section, maraming netizens ang pumuri kay Gregg at sinasabing maswerte si Angelica dahil natagpuan na talaga niya ang para sa kanya.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Best dad and husband ever….goals ‘yan ng mga gen z dapat hindi lang puro porma at tindig kailangan responsible at totoong lalaki talaga [red heart emoji]”
“Madam Claudia napakaswerte mo sa hubby mo talaga dininig ng universe ang mga iyak at panaghoy mo sa past mo ngayon is promised.”
“Deserve mo ‘yan momsh feeling ko napakabait ng asawa mo momsh [red heart emojis].”
“I am so happy for you that you have finally met your soulmate. A very simple unassuming man who vowed to love you unconditionally, provide for you and the family you will be having, who looks at you with eyes full of love , who spoils you to the max, cooks and cleans the house with you.”
Magugunita noong December 31 nang maganap ang intimate wedding nina Angelica at Gregg.
October 2022 nang ibandera ng mag-asawa ang kanilang engagement after more than two years of dating.
Isinilang naman ang anak nilang si baby Amila o mas kilala bilang Baby Bean noong September 20, 2022.