Lovi Poe nag-babu na sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’: Mokang…now signing off

Lovi Poe namaalam na sa 'FPJ's Batang Quiapo': Mokang…now signing off

PHOTO: Instagram/@lovipoe

MALUNGKOT ang mga sumusubaybay ng teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” sa episode kagabi, Huwebes (Jan. 4) dahil winakasan na ang karakter ni Lovi Poe bilang si “Mokang” ang greatest love ni “Tanggol” na ginagampanan ni Coco Martin.

Sa laki ng pagkukulang ni Mokang kay Tanggol na lagi siyang ipinagtatanggol simula pa noong mga bata pa sila tanda ng malaking pagmamahal sa kanya ng kaibigan ay hindi niya ito natumbasan dahil mas inisip niya ang bilin ng magulang na huwag iibig sa binata dahil walang mangyayari sa buhay niya.

Huli nang maisip ni Mokang si Tanggol nang saktan siya ng asawang si Christopher de Leon bilang si Albert/Ramon at laging gulat niya ng makita sa mansion ang lalaking mahal pala niya kaya sumama siyang tumakas.

Kaya naman nang nakita niyang babarilin ni Irma Adlawan bilang si Olga si Tanggol ay siya ang sumalo sa balang dapat sana ay para sa lalaking mahal niya.

Sa sentido ang tama ng bala kay Mokang kaya malabong mabuhay na ito tulad ng mga nabasa naming komento ng netizens dahil hoping na buhay ang katambal ni Tanggol.

Baka Bet Mo: Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?

Pero wala na dahil ang mismong producer ng programa, ang Dreamscape Entertainment ay nagpasalamat na kay Lovi.

“Maraming salamat, @lovipoe sa pagbibigay-buhay kay Mokang. Malaki kang bahagi ng FPJ’s Batang Quiapo (emoji red heart). Paalam, Mokang #FPJsBatangQuiapo #FPJBQMokang #LoviPoe.”

At nag-post din ng pasasalamat ang aktres sa lahat ng nakatrabaho niya sa Batang Quiapo na naging parte siya rito bilang alaala sa magandang programang ito, lalo na kay Dreamscape Entertainment head, Deo T. Endrinal at Ms Cory Vidanes, ABS-CBN Chief Operating Officer at sa Kapamilya network.

Aniya, “I am truly blessed to have been part of a project that represents my father’s name. It was a first and it will always mean the world to me. My deepest appreciation to Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity. You have given me a missing piece to my puzzle. For that, I will always be grateful.”

“A big part of my 2023 was breathing life into a character I have grown to love what a privilege it was to play Mokang. She was a fighter and she taught me how it is to truly be free. It really was a tough decision for me to make but I have decided to turn the page [heart emoji],” sey pa niya.

Dagadga niya, “To my Batang Quiapo team, the depth of your creativity and imagination knows no bounds and I know you will continue to soar high. I will always be cheering for all of you from afar. Mami-miss ko kayo ng malala”

Para sa leading man niya, “To my dearest tagapagTANGGOL, maybe in another life?”

At sa direktor niya, “Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo.”

“Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep,” mensahe pa niya.

Hindi rin nakalimutan ni Lovi ang supporters niya, “At sa mga nagmamahal kay Mokang, sobrang mahal ko din kayo. Maraming-maraming salamat poe. Inyong tropa, Mokang…now signing off.”

Kaliwa’t kanan ang reaksyon ng mga sumusubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil bakit binago ang script? Anong nangyari at nasaan na ang eksenang naghahalikan sina Mokang at Tanggol sa harapan ng Quiapo Church na nahuli sila ni Albert at nagkabunutan ng baril at nagulat ang huli dahil ang lalaking kamukha niya na matagal na niyang hinahanap ay kaharap niya at karelasyon ng kanyang asawa.

May mga nagsabi naman na kaya binago ang script ay dahil kailangan na ring asikasuhin ni Mokang o Lovi ang kanyang buhay may-asawa dahil hindi pa nakakapag-honeymoon ang dalawa dahil ilang araw lang pagkatapos ng kasal nito sa London ay balik-taping siya para sa BQ.

Sabi ng netizen na si noringai, “Mami-miss ka ng Nanay ko sa BQ. She watches the show every night.”

Nalungkot naman ang netizen na si chuisyjinri, “This is so heartbreaking lalo naumpisahan ko ‘yun journey n’yo ni Tanggol, thank you Mokang ikaw pren ky Tanggol hnggang dulo. Enjoy ur married life, you did well Lovi Poe mahal kita thank you sayooo.”

At siyempre may fans din si Ivana Alawi na natuwa tulad ni ivanaticsbacolodcity, “Bye Mokang! Maraming salamat! We will miss you pero hindi na magseselos ang Bubbles namin we love you poe! Ingat always.”

May mga umokey na rin dahil nagtagumpay na si Bubbles na siya na ang leading lady ni Tanggol.

Read more...