Liezel Lopez itinangging inagaw noon si Kristoffer Martin

Liezel Lopez itinangging inagaw noon si Kristoffer Martin

Liezel Lopez

TILA may patutsada ang Kapuso actressa si Liezel Lopez ukol sa naging kontrobersyal nilang relasyon noon ng aktor na si Kristoffer Martin.

Binansagang “mang-aagaw” at “third party” noon ang Kapuso actress dahil siya ang naging dyowa ni Kristoffer matapos ang relasyon nila ng longtime girlfriend niya noong si AC Banzon.

Matatandaang nag-break ang Kapuso actor at AC noong December 2020. Naging sila ni Liezel pagkatapos ngunit July 2021 nang magkabalikan sina AC at Kristoffer.

Kaya sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nanindigan ang Kapuso actress na hindi siya naging third party.

Natanong kasi si Liezel ukol sa kanilang naging relasyon noon ni Kristoffer.

Naitanong rin ni Tito Boy kung totoo bang nang-agaw siya noon ng boyfriend at kung nagkaroon ba ng overlapping.

Baka Bet Mo: Liezel Lopez at Kristoffer Martin, hiwalay na!

Kung ako ang tatanungin, hindi po. Pero kung may natutunan po ako doon, siguro yung dapat, yung totoo sinasabi,” may lamang saad ni Liezel.

Dagdag pa niya, “Pero hindi ko na po kasi talaga kuwento iyon.Pero tungkol po doon sa tanong ninyo [kung nang-agaw ako], hindi po ang sagot ko.”

Ani Liezel, hindi raw siya nang-aagaw ng asawa ng may asawa.

Matapos nito ay nag-segway ito sa upcoming Kapuso teleserye nila nina Jasmine Curtis at Rayver Cruz na “Asawa ng Asawa Ko”.

Bagamat walang masyadong detalyeng sinabi si Liezel, mapapansin sa tono ng naging sagot ni mukhang mag pasaring ito na hindi nagsasabi ang aktor ukol sa tunay na nangyari sa kanilang relasyon.

Read more...