KASAMA ba sa inyong New Year’s resolution ang magkaroon ng fit at toned body?
Magandang motivation at inspirasyon ang recent social media post ng aktor na si Paulo Avelino na plinex ang kanyang “body transformation” within one year of fitness training!
Sa Instagram, ibinandera ng aktor ang before and after photos niya kung saan makikita ang pagiging chubby niya at ‘yung katawan niya ngayon na nagkaroon na ng six-pack abs.
“My 2023 in a nutshell,” proud niyang caption sa post.
Baka Bet Mo: Hirit ni Mimiyuuuh sa pagbabalik-trabaho after ng holiday: Yung HR mo maglo-long post kasi ang tamad-tamad mo
Bukod sa fans, humanga rin sa kanyang transformation ang ilang kapwa-celebrities.
Kabilang na riyan sina Bea Alonzo, Jake Cuenca, Denise Laurel, Drew Arellano, Darla Sauler, at marami pang iba.
“Grabeeeee lodi [happy face with heart eyes emoji],” komento ni Darla.
Sey naman ni Denise, “yeeeeee leezzgooo”
Wika ni Drew, “Witnessed(still witnessing) the grind, bro. Proud of you [emoji].”
Inumpisahan ni Paulo ang kanyang fitness journey noong January 2023 para sa kanyang karakter sa ABS-CBN TV series na “Linlang.”
Nang tingnan namin ang socmed account ng aktor, ilan lamang sa mga ginawa niya upang ma-achieve ang magandang katawan ay boxing at pagbubuhat ng weights.
Samantala, nakatakdang bumida si Paulo sa Philippine adaptation ng hit K-drama na “What’s Wrong with Secretary Kim.”
Ang makakatambal niya sa nasabing serye ay ang Kapamilya TV host-actress na si KIm Chiu.
Ang adaptation ay ipapalabas ngayong taon in collaboration between ABS-CBN, Dreamscape Entertainment, at Viu Philippines.