Anne napa-wow din sa viral transformation: You look so good Jane! Go Darnaaaa! | Bandera

Anne napa-wow din sa viral transformation: You look so good Jane! Go Darnaaaa!

Ervin Santiago |August 22,2022
facebook
share this

Anne napa-wow din sa viral transformation: You look so good Jane! Go Darnaaaa!

Ervin Santiago - August 22, 2022 - 03:10 PM

Jane de Leon at Anne Curtis

BILIB na bilib din ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis kay Jane de Leon matapos bumandera ang transformation ng dalaga bilang bagong Darna.

Last Friday, nakita na ng madlang pipol ang aktres suot ang pasabog na costume ng iconic Pinay superhero at talagang nag-viral ito at trending pa sa social media.

Isa nga sa mga pumuri kay Jane sa unang paglipad niya sa pilot week ng “Mars Ravelo’s Darna” ay si Anne na talagang napa-comment sa poster kung saan makikita ang kabuuan niyang itsura bilang si Darna.

Ibinahagi kasi ni Jane sa kanyang Instagram account ang nasabing poster at sa comment section nito, nag-iwan ng mensahe si Anne na gumanap din sa isa pang nilikhang karakter ni Mars Ravelo sa komiks, ang “Dyesebel.”

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Sey ng “It’s Showtime” host, “You look so good Jane!!! Go Darna!!”

Sagot naman ni Jane sa kanya, “Thank you Ate Anne! My Dyosaaa!”

Isa nga lamang si Anne sa libu-libong pumuri sa transformation ni Jane as Darna na noong una’y kinukuwestiyon pa ng mga bashers kung bakit siya ang napili bilang tagapagmana ng mahiwagang bato ng Pinay superhero.

“It’s hard actually because kahit sino pa man ang nandito sa position ko, mahihirapan talaga. She will really feel the pressure. But ang sa akin, I need to focus on the people who believe in me. That’s the most important thing.

“I need to trust the Lord and trust myself. You know, to always think straight and look straight, and just move forward,” ang pahayag ni Jane sa isang panayam.

Aniya pa, “I can’t compare myself sa mga naunang Darna because lahat po talaga sila magagaling. And now, I’m just giving what my character requires. And I’m so excited to explore the characters of Darna and Narda. This is a new period and a new story.

“The Darna now, she’s slowly embracing the superhero in her. Actually, in real life, people are telling me, ‘Why her? Why Jane?’ Halos magkalapit yung totoong Jane sa character nina Narda at Darna.
“Pareho po na kinukuwestiyon namin sa sarili namin, ‘Bakit ako, bakit ako po yung pinili?’ So, we’re both slowly discovering the path we’re taking,” sey pa ni Jane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa direksyon ni Chito Roño, kasama sina Avel Sunpongco at Benedict Mique, napapanood ang “Mars Ravelo’s Darna” mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, CineMo, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Jane nakaranas ding mag-ulam ng asin, toyo’t mantika at ‘ligaw na manok’: Natulog din kami ni Mama sa gilid-gilid ng MRT

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending