Cristy Fermin may bagong pasabog tungkol sa magulang ni Sarah, true kaya?

Cristy Fermin may bagong pasabog tungkol sa magulang ni Sarah, true kaya?

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

MAY pasabog sina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa vlog nilang “Showbiz Now Na” na in-upload sa kanilang YouTube channel nitong Lunes, alas-kuwatro ng hapon.

Tungkol ito sa mga magulang ni Sarah Lahbati na sina Ginang Esther Lahbati at Ginoong Abdel Lahbati.

Base sa kuwento ni ‘Nay Cristy ay taga-Geneva, Switzerland ang mga magulang ni Sarah kung saan nagtrabaho ang ina nito.

“Ang mga Pinoy po tanggapin natin para po tayong mga talbos ng kamote. Kahit saan tayo itapos Ituldos (itusok) mo lang tutubo at nagkakalaman (bunga),” bungad ng host ng “SNN.”

Pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Si Sarah Lahbati po at ang kanyang pamilya ay naninirahan sa Geneva, Switzerland. Ang dami-dami pong Pilipino sa bansang ito.  Marami kaming tagasubaybay talaga na nagpaparating sa amin tungkol sa mga Pilipino sa Geneva, Switzerland.”


“Naku heto na, ito ‘yung mga kuwentong dumating na hindi natin hiningi, pero kusa,” sabi ni Romel Chika.

Nabanggit ni ‘Nay Cristy na nakikisahog daw ang mga kababayang Pinoy lalo na sa kuwentong showbiz. At totoo naman ito dahil mga kaanak din namin ay marami ring tsika tungkol sa mga kababayang Filipino na nakikita nila roon kapag nagbabakasyon.

Going back to ‘Nay Cristy, “Lalo na po sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at ang pakikisahog ng kani-kanilang pamilya tungkol sa hiwalayan.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

“Ang una po naming tatalakayin ay ‘yung kay Aling Esther at ang ama ni Sarah na si Abdel,” sambit ni ‘Nay Cristy.

“Kapag umuwi (sa Pilipinas) pala ang pamilya ni Sarah Lahbati ay sagot pala ni Sarah ang mga pamasahe,” say ni Romel Chika.

Dagdag ni ‘Nay Cristy, “At ang gusto ay business class sa eroplano. E, saan kukunin ‘yun?”

Sagot ni Romel Chika, “E, kanino pa ba alam naman nating walang trabaho si Sarah Lahbati. So, ito ay manggagaling sa pocket ni Richard.”

Sa mga ilang balitang lumabas ay sinabi ng ina ni Sarah na ang ginagastos daw nila ay mula sa pension niya sa Geneva, Switzerland na ipinakita rin ang Instagram post ni Gng. Esther kasama ang asawang si Ginoong Abdel, “Lunch at BGC, we’re happy spending the good time and spending my pension from Switzerland.”


“State pension” daw ang tawag sabi ni ‘Nay Cristy, “Ito po ang tawag sa mga tinatanggap ng ating mga kababayan na OFW (overseas Filipino worker) dahil ang dakilang ina po ni Sarah Lahbati ay dating kasambahay.

“Hindi po namin minamaliit ang mga OFW, ang pagsaludo po namin sa kanila triple, maraming beses dahil sila po ay mga taong nagtatrabaho at talagang nagsisikap para sa kanilang mga pamilya.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

“Kasambahay po si Aling Esther sa Geneva, Switzerland at ang kanyang state pension na tinatanggap ay hindi raw po ganu’n kalakihan,” sabi pa ng veteran showbiz columnist.

At saka binanggit ni ‘Nay Cristy ang kuwento sa kanila ng mga kababayang mga Pinoy sa Geneva na kilalang-kilala ang pamilya ni Sarah.

“Marami po kaming kaibigan diyan (Geneva) na nagkukuwento na hindi kagandahan ang imahe ng mga Lahbati,” panimula ni Nanay Cristy tungkol sa magulang ng mama nina Zion at Kai.

At kaya nagkuwento sa “SNN” host ang kababayang Pinoy sa Geneva ay hindi raw kasi sila makatiis sa pakikialam ng magulang ni Sarah sa hiwalayan nila ni Richard.

“Ito ang pinakamatindi, ang pasabog na sinasabi ko, ang kuwentong ito ay maaaring pabulaanan ni Mang Abdel at ni Aling Esther. Ito po ay personal ninyong buhay pero kapag ganito po na kayo ay sumasawsaw o nakikihalo sa kuwento na hindi naman dapat ninyo panghimasukan, pati po ang mga buhay ninyo ay makakalkal,” pahayag ni ‘Nay Cristy.

Base sa kuwento ni ‘Nay Cristy ang kumakalat na usapan sa Geneva, Switzerland sa Pinoy community, “Na ito pong si Aling Esther at Mang Abdel ay matagal nang hindi nagkakaunawaan dahil kinarelasyon daw ni Mang Abdel ang mismong pamangkin ni Aling Esther na pinsan ni Sarah Lahbati na doon din nagtatrabaho sa Geneva.

Saad pa ni ‘Nay Cristy, kahit daw sa harapan ng mga apo nilang sina Zion at Kai ay nag-aaway ang magulang ni Sarah.

Dagdag pa ni Romel Chika na walang pinipiling lugar ang mag-asawa kapag nag-aaway lalo na ang insidente sa supermarket kung saan nagbatuhan daw ng de-lata ang mag-asawa.

“Kaya ang iskandalong ginawa nila ay hindi naitago siyempre ang daming Pilipino!” diin ni Romel Chika.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ng mga magulang ni Sarah tungkol sa isyung ito. Agad naming ilalabas ang kanilang magiging paliwanag.

Read more...