Ion Perez umaasang sila pa rin ni Vice hanggang sa pagtanda: Until 2090!

Ion Perez umaasang sila pa rin ni Vice hanggang sa pagtanda: Until 2090!

Vice Ganda at Ion Perez

KILIG na kilig si Vice Ganda sa paandar na New Year’s message para sa kanya ng “asawang” si Ion Perez.

Muling nagpasabog ng good vibes ang hunk TV host-model sa social media nang batiin niya si Vice sa pamamagitan ng Instagram.

Dito, ibinandera ni Ion sa buong universe ang pagmamahal niya sa kanyang partner at umaasang hanggang sa kanilang pagtanda ay sila pa rin ang magkasama.

Kahapon, January 1, ipinost ni Ion ang compilation ng mga pictures at video clips ng mga sweet bonding moment nila ni Vice.

“Until 2090! MuhLOVE (3 red heart emojis). Welkam twenty twenty four!” ang caption ni Ion sa kanyang IG post.

Super touched at kilig to the bones naman si Vice nang mabasa at mapanood ang post ng kanyang asawa. Hirit niyang komento, “Waaaahhhhhhh napakadaya!!!! Nalamangan mo na naman ako!

Baka Bet Mo: Kris nanahimik dahil may pasabog sa pagbabalik: Kaya kong magpaligaya ng tao most especially NOW!

“Ang goal ko this 2024 ay matutong magedit para di ka nakakalamang sa posting! Bwak bwak bwak!!!!

“I love you babe ko! This year will be an amazing one for us, our families, those we love and those who love us! Happy New Year asawa ko!” ang mensahe ni Vice kay Ion.


Of course, kinilig din at na-inspire ang mga netizens sa pagmamahalan at kaswitan ng mag-asawa. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez may baby na: ‘Madadagdagan na ng bagong miyembro ang family namin’

“This simple message can make my tears down.”

“Happy New Year my VICEION! I love you both so much! so excited to spend this year with u two!!”

“Rooting for your editing skills madam hahahahahaaha, labyu!”

“HAPPY NEW YEAR SA INYU MAG ASAWA MAHAL NA MAHAL KO KAYO, KAYO PARIN SA 2024.”

“Tita vice super sweet naman ni tito ion tita vice thank kaski na welcome mo si tito ion sa buhay mo na asawa mo kaski noon sinabi mo sakin na magasawa ka ng Loveing na tao hindi mo pala sinabi sakin na si tito ion pala yun tita vice happy new yaer tita vice idol na idol na idol kita tita vice kaski yun manga tanta mo tita vice ang gaganda tita vice”

“Ang galing ng asawa mo mag edit ng video Meme… Ganyan tlga pag in love… haysss…love you both.”

Read more...