Kim, Bela present sa kasal nina Angelica at Greg: A love that’s everlasting

Kim, Bela present sa kasal nina Angelica at Greg: A love that's everlasting

Bela Padilla, Kim Chiu, Angelica Panganiban, Gregg Homan at Baby Bean

SA Los Angeles, California ikinasal sina Angelica Panganiban at Gregg Homan base sa post ng close friends ng aktres na sina Bela Padilla at Kim Chiu.

Nakalagay kasi sa kani-kanilang Instagram photo ang location kung saan ginanap ang wedding nina Angelica at Gregg.

Ipinost ni Bela sa kanyang IG account ang larawang kasama nila ang bagong kasal nitong Disyembre 31, 2023 at ang caption niya ay, “The drought is over (emoji heart). Congratulations, Mr. and Mrs. Homan. The best day ever.”


Sa post naman ni Kim ay nakunan niya si Gregg na nagpapahid ng luha habang hinihintay si Angge sa harap at kung tama ang sapantaha namin ay isa itong garden wedding base na rin sa paligid nila na tila overlooking ng body of water.

Anyway ang caption ni Kimmy sa mga larawang magkakasama silang tatlo, “12-31-23 Witnessed a love that is everlasting, love that comes in perfect timing, love that is unconditional, and love that deserves to be felt by one another. Congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan.

“I felt blessed to witness this beautiful ceremony.  I can’t miss this! (emoji smiling face) Love you, Momsy Angge! Thank you, @gregg_homan for loving our momsy. Alagaan mo ang momsy namin forever!”

At ang hashtag ni Kim ay, “#ANGBEKI IS EXTRA EXTRA HAPPY!!! Momsy @bela, I am glad to experience this with you!”

“Love is patient, love is kind.” 1 Corinthians 13:4.”

Sagot naman ni Angelica sa post ni Kim, “Mahal kita sagad hanggang buto. Thank you sa lahat today momsy.”

At ang sabi ni Bela, “You’re the best wedding buddy!!!”

Maraming showbiz friends ang bumati sa dalawa.

Komento ni Direk Antoinette Jadaone, “WAHHHHH (hearts emoji).”

Say ng aktres na si Alessandra de Rossi, “Ahaaaa!!!!! Congratulations!!!!!”

Sabi naman ng naging leading man ng aktres na si Zanjoe Marudo, “Mabuhay kayo Homans (heart emoji).”

Pawang heart emoji naman ang ipinost nina Agot Isidro, Gela Atayde atmarami pang iba pa.


Kahit 20 taon na ang nakalipas mula ng magsama sina Angelica at Regine Angeles sa seryeng “Apoy sa Dagat” noong 2013 ay hindi rin siya nakalimot bumati, “Congratulations and Best Wishes!”

Ang US-based na ngayon at co-actor ni Angge na si @yamconcepcion sa seryeng “Init sa Magdamag” ay bumati rin, “Best wishes @iamangelicap.”

Siyempre ang Star Magic handler ni Angelica sa loob ng maraming taon na si Cris Tapang ay bumati rin, “Congratulations deserve na deserve Mrs Homan.”

Gayun din ang aktres na kasama ni Angge sa Iwant TFC na “The Goodbye Girl” na si Barbie Imperial ay bumati rin, “Congrats ate!!!”

Nagkomento run any TV host na si Luis Manzano, “Congrats!”

Sa programang “The Kangks Show” sa We TV iflix ay nakasama ni Angelica si Maris Racal na nag-greet din ng, “ANG GANDANG BRIDE!!!!!! Congrats sa inyo!”

Ang lalaking kaibigan ni Angelica na si Ketchup Eusebio ay bumati rin, “Hayerp sa date! Cheers to a lifetime of quirky adventures and happily-ever-afters!”  Nagkasama ang dalawa sa “Berks” TV series noong 2002-2004.

At siyempre hindi rin nakalimot si Anne Curtis, “Congratulations Mr & Mrs Homan!” Nakasama ni Angelica si Anne sa “Maging Sino Ka Man” series noong 2007-2008.

Read more...