NAGPAKATOTOO ang TV host at dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno nang tanungin kung ano ang pipiliin niya — showbiz o politika?
Napanood namin ang video kung saan na-interview ang “Eat Bulaga” host at aktor sa weekly comedy program ng GMA 7 na “The Boobay And Tekla Show”.
Sa isang segment ng show ay natanong si Yorme nina Boobay at Super Tekla — kung muli siyang ipapanganak at bibigyan lamang ng isang propesyon, ano ang pipiliin niya, politika o showbiz?
Baka Bet Mo: ‘Ano ang bet mo, love without sex o sex without love?’
Napaisip sandali si Isko, ang kanyang naging choice, ang trabaho kung saan kaya niyang makatulong at makapagpabago ng buhay ng ating mga kababayan, ang pagiging public servant.
“I think wala nang hihigit pa na mabago mo yung buhay ng isang tao through a particular authority and resources. So public service is really something else,” pahayag ni Isko.
Baka Bet Mo: Isko Moreno nagpasintabi sa TVJ bago sumalang sa ‘Eat Bulaga’, walang balak tapatan ang OG hosts
Pero agad namang nilinaw ni Yorme na retired na siya sa mundo ng politika, at sinagot lamang niya ang tanong nina Boobay at Tekla.
Dagdag pang pahayag ni Isko, sa tinatawag na “universal rule,” posibleng mabago ng isang tapat, masipag at effective na leader ang isang bansa o komunidad basta sa mabuting paraan lamang.
“Effective leaders can really change the course ng buhay ng tao for the betterment,” aniya.
Natanong din siya kung may naramdaman siyang panghihinayang nang maging tatay sa batang edad ang anak niyang si Joaquin Domagoso, at sa gitna ng bumobonggang career nito.
“Every human being is a blessing. I am grateful. It’s the other way around,” tugon ni Yorme na super enjoy din daw sa pagiging lolo sa kanyang apong si Scott.