Marian sa 9 years nila ni Dingdong: Ikaw ang aking walang hanggang biyaya

Marian sa 9 years nila ni Dingdong: Ikaw ang aking walang hanggang biyaya

Marian Rivera at Dingdong Dantes

MULING pinakilig ng Kapuso Royale couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang mga fans sa pagdiriwang nila ng kanilang wedding anniversary.

Nagdiwang ang GMA Primetime King at Queen ng kanilang 9th wedding anniversary kahapon, December 30. Binati nila ang isa’t isa da pamamagitan kanilang Instagram page.

Siyam na taon ng pagmamahal, tawanan, at walang katapusang pasasalamat. Happy Anniversary mahal, ikaw ang aking walang hanggang biyaya,” ang caption ni Marian sa litrato nilang mag-asawa sa IG.

Nag-comment naman si Dingdong sa post ng kanyang wifey, “Hanggang sa susunod na habang buhay.”

Binati rin ni Dingdong si Marian sa kanyang IG post kung saan sinimulan niya ang kanyang anniversary greetings tungkol sa reunion at comeback movie nilang “Rewind” na official entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

“It has been a crazy, hectic year for us, as we were both busy with our work—having less time for ourselves.

Baka Bet Mo: Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

“That’s why when we started shooting #RewindMMFF, it felt like going on a date every single day, and the bonus became a beautiful film outcome,” simulang pagbati ni Dong sa pinakamamahal niyang asawa.


“Being able to tell the story of John and Mary is a gift. Sharing it successfully with millions of people fulfills a mission.

“Accomplishing this mission alongside you, my wife, is a rare privilege, one that I believe comes once in a lifetime.

“I am genuinely grateful for this extraordinary experience, which will always hold a special place in my heart.

Baka Bet Mo: Marian feel na feel ang pagiging nanay; nagturo ng kagandahang-asal sa mga Grade 2 students

“On our wedding anniversary, I have nothing but gratitude to you, my Mary, for being the best mom, wife, friend, and leading lady anyone could ever ask for.

“Happy 9th. Lundagin mo pa, Beybe!” ang kabuuang mensahe ng TV host-actor para kat Marian.

“Love you my BEST (red heart emoji),” ang comment naman ni Marian.

Nagpakasal sina Yanyan at Dong noong December, 2014 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Zia at Sixto Dantes.

In fairness, nasaksihan namin ang engrandeng wedding ng Kapuso celebrity couple siyam na taon na ang nakararaan.

Talagang inimbitahan nila ang mga members ng entertainment media na malapit sa kanila, lalo na yung mga naging bahagi na rin ng kanilang buhay at career. Kaya naman mas hinangaan at nirespeto pa sila ng members of the press.

Read more...