NGAYON pa lang ay excited na si Enchong Dee sa pagbabalik ng ABS-CBN reality show na “Pinoy Big Brother” na mapapanood na uli sa pagpasok ng 2024.
Inaasahang si Enchong uli ang magiging host ng “PBB” kasama ang kanyang kaibigang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros.
Sa isang episode ng “Magandang Buhay”, natanong ni Melai si Enchong kung excited na itong magkasama at magkatrabaho sila uli sa bagong edition ng “PBB” next year.
“Oo naman! Siyempre lalo na ‘yung mga staff na kasama natin sa likod ng camera,” sagot ng aktor.
“Basta partner, kung yayakapin pa rin nila ‘yung partnership natin. Kasi talaga namang hindi dumadaan ang isang episode na wala kaming palya ni partner,” sabi ni Enchong.
Baka Bet Mo: Enchong Dee nagbilad na rin ng hubad na katawan, hirit ng netizen: ‘Salamat po sa ayuda!’
Biro namang hirit ni Melai, “Ang pinag-iiwasan lang namin ni partner kami ang magtatawag nang mai-evict kasi daw baka ang mangyari kami ni partner (sasabihin), ‘Ikaw na ang mai-evict kuan. Tumayo ka na kuan.’ Hoy sino si kuan, magagalit ang housemate.”
Natatawang reaksyon naman ni Enchong, “Alam mo umabot siya sa point na ganu’n na, ‘Buti na lang hindi tayo napapanood ng boss kundi wala na tayo sa trabaho natin ngayon.'”
Matatandaang in-announce ng ABS-CBN ang pagbabalik ng “Pinoy Big Brother” ipinalabas na ABS-CBN Christmas Special na ipinalabas nitong nagdaang linggo.
Bukod dito, ang iba pang dapat abangan sa pagpasok ng 2024 sa Kapamilya network ay ang “The Voice: Teens”, ang teleserye version ng “Linlang” nina Kim Chiu, JM de Guzman, Paulo Avelino at Maricel Soriano.
Ipalalabas din sa free TV next year ang award-winning digital series na “The Bagman” ni Arjo Atayde at ang Philippine adaptation ng mga hit Korean series na “What’s Wrong with Secretary Kim” nina Paulo at Kim at ang “It’s Okay Not to Be Okay.”
Matatandaang umere ang last season ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” last October, 2021 hanggang May, 2022 na hinati sa tatlong kategorya — celebrities, adults, at teens.
Si Anji Salvacion ang itinanghal na Big Winner habang si Isabel Laohoo ang 1st runner-up. Napasama naman sa Top 5 sina Samantha Bernardo, Rob Blackburn, at Brenda Mage.
Kasunod nito, inihayag ni ABS-CBN Head of TV Production Laurenti Dyogi na ide-demolish na ang kalahati ng “PBB” house for practical reasons.
“After 2 seasons of (Pinoy Dream Academy), it became our House B which had our offices, brainstorm space, pantry, hosts’ dressing rooms, mini studio with control room and living quarters specially during the last two ‘lock-in seasons.’
“This part of the house has lots of good memories and even scary experiences,” ani Direk Lauren.
Dagdag pa niya, “We needed to give up this part of the PBB house as our lease has expired this year and it is impractical to renew it.
“We still have the main PBB house and control room which hopefully we still get to use for the next PBB edition. This original house was built in 2004 and is 18 years old. It has become iconic and a landmark in the area,” aniya pa.