NAGHIWALAY pero nagkabalikan din daw ang Kapamilya celebrity couple na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
Yan ang nakarating sa aming chika base sa ibinulong ng isang source na may nalalaman about the current relationship of Janine and Paulo.
Totoong nag-break daw for a while ang dalawang Kapamilya stars na tumagal din ng ilang buwan pero nagdesisyon umano sila na bigyan ng second chance ang kanilang pagmamahalan.
Wala namang maibigay ang aming source kung ano ang naging ugat ng kanilang paghihiwalay pero mukhang wala naman daw third party tulad ng lumabas na intriga kamakailan.
May chika kasi na nagkakamabutihan na raw sina Paulo at Kim Chiu matapos silang magsama sa hit Kapamilya series na “Linlang”.
Baka Bet Mo: Jennica, Alwyn sabay tinanong kung nagkabalikan na…pero magkaiba ang sagot
Ito ang dahilan kung bakit kumalat ang chika na break na sina Pau at Janine kahit hindi pa naman talaga umaamin ever ang dalawa sa kanilang tunay na relasyon.
May lumabas ding chika na sumasakay lang daw si Paulo sa isyu sa kanila ni Kim para sa promo ng kanilang serye pero naapektuhan daw talaga ang relasyon ng aktor kay Janine.
Mas umingay pa ang tsismis sa pagitan nina Kim at Pau nang kumpirmahin ng dalaga na totoong hiwalay na sila ni Xian Lim pero nananatili pa rin daw silang magkaibigan.
Baka Bet Mo: McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR
Sa isang episode naman ng digital entertainment talk show na “Marites University” nabanggit ng ating friend and colleage na si Rose Garcia ang tungkol kina Pau at Janine.
Chika niya, “Totoong nagkaroon ng pagkakahiwalay for a while. Siguro nga cool off. Pero mula sa isang napakabonggang source, talagang nagkabalikan.
“Nakita sila recently lang na magkasama. Ayaw kong sabihin kung saan kasi magagalit ‘tong source ko sabihin iminarites ko na naman,” natatawang sabi niya, ‘pero sila pa rin,'” aniya pa.
Pero ang latest nga, mukhang nagkaayos na raw ang dalawa matapos magkausap nang masinsinan.