NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ni Alden Richards ang gagampanan niyang role sa upcoming historical action drama ng GMA 7 na “Pulang Araw.”
Ang Asia’s Multimedia Star ang magbibigay-buhay sa karakter ni Eduardo Dela Cruz, isang Filipino-American na nabuhay sa panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas.
Isa sa mga pasabog na projects ni Alden sa 2024 ay ang “Pulang Araw” kung saan makakasama rin niya ang mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez at David Licauco.
Ibinahagi ng Kapuso Drama Prince sa panayam ng GMA Network ang mga ginagawa niyang paghahanda para sa pagsisimula ng kanilang shooting ng “Pulang Araw.”
Naikuwento ni Alden ang tungkol sa audio recording na naglalaman ng kuwento ng kanyang lola tungkol sa mga naging karanasan nito noong panahon ng mga Hapon sa Pilipinas.
“Sa ngayon nagpakuwento na ako sa Lola ko about her experience, meron akong audio recording.
Baka Bet Mo: Alden, Sanya, Barbie, David balik-World War 2 sa ‘Pulang Araw’
“So, ‘yun kasi ‘yung maganda rin na na-pick-up ko about this project nu’ng nasabi rin ‘to ni Direk Dom (Dominic Zapata),” pagbabahagi ng aktor.
Sinimulan na rin daw ni Alden ang pag-aaral sa magiging looks niya sa serye kasabay ng pagri-research tungkol sa mga Amerikano noong sumabog any World War II sa Pilipinas.
Baka Bet Mo: Alden na-depress, feeling walang silbi: Buti na lang po, hindi ako nagdroga
“At the same time, nag-aaral na rin ako ng looks. Niri-resarch ko kung ano ba talaga ‘yung status ng Philippines during the Japanese occupation.
“And how the Americans really defended the Filipinos during that time,” pahayag pa ni Alden sa naturang panayam.
Aside from “Pulang Araw”, abangers na rin ang mga fans ni Alden sa susunod niyang pelikula kung saan makakatambal naman niya ang Kapamilya actress na si Heaven Paralejo.
Ang pelikula ay may working title na “Out of Order” mula sa Viva Films kung saan hindi lang aktor si Alden, siya rin ang magdidirek nito.
Showing pa rin ngayon sa mga sinehan ang pelikula niyang “A Family of Two (A Mother and Son Story)” kasama si Megastar Sharon Cuneta at Miles Ocampo na nagwaging Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival 2023.