Win Gatchalian sa bashers nila ni Bianca: ‘Cheers to the negas at Marites!’

Win Gatchalian sa bashers nila ni Bianca: 'Cheers to the negas at Marites!'

Sherwin Gatchalian at Bianca Manalo

MULING nagpatutsada si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga taong nang-uurot sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Bianca Manalo.

Patuloy kasing pinag-uusapan ng mga Marites all over the universe ang pagkaka-link ni Bianca sa Kapuso actor na si Rob Gomez na kasama niya sa seryeng “Magandang Dilag.”

Marami ang nagsasabi na baka raw maging mitsa ito ng paghihiwalay ng actress-beauty queen at ng senador.


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sen. Win ng litrato ng baso na may lamang whiskey, kalakip ang mensahe niya sa mga netizens na nakikialam at nang-iintriga sa relasyon nila ni Bianca.

Baka Bet Mo: Suicide cases tumaas noong 2020, suporta sa mga estudyante hiniling ni Sen. Gatchalian

Mababasa sa IG post ng senador ang caption na, “Cheers to the bashers, bitters, negas at mariteses…

“Ang anghang ng chicharon.”

Sa comments section, makikita naman ang reply ni Bianca na laughing emoji.

Nauna rito, noong kasagsagan ng isyu sa pagitan nina Bianca at Rob naglabas ng  pahayag ang senador sa pamamagitan din ng Instagram.

Ibinahagi niya ang Christmas gifts na natanggap niya mula kay Sen. Sonny Angara at sa asawa nitong si Tootsy Angara, ito ang dalawang picture frames na may sweet photos nila ni Bianca.

Ang caption ni Sherwin dito ay, “What a beautiful Christmas gift from @tootsyangra and @sonnyangra. @biancamanalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart.”

Nasundan pa ito ng isa pang IG post, “Merry Christmas to everyone! To @biancamanalo, my 2023 Christmas gift to you – I will always be by your side.”

Matatandaang pinagpiyestahan sa social media ang screenshot ng umano’y mga private message ni Bianca kay Rob na naka-post sa mismong Instagram account ni Rob.

Mababasa sa screenshot na tinanong ni Bianca si Rob tungkol sa pagkikita nila bandang “7am” sa “bgc” bago umalis ang aktres ng “10am.”

Sa sumunod na mensahe ni Bianca sinabi nitong, “He’s not here. He’s in Valenzuela” na ang tinutukoy na “he” ay ang karelasyon niyang si Sen. Win na taga-Valenzuela.

Kaya naman ang paniwala ng mga netizens ay mukhang nagtatagpo raw nang palihim sina Bianca at Rob. Pero ayon kay Rob, ang dati niyang karelasyon at nanay ng kanyang anak na si Shaila Rebortera ang nag-post ng screenshots sa IG nang hindi niya alam.


Last December 22, nag-issue  ng official statement si Bianca tungkol sa kanila ni Rob. Aniya, “Let me clear all the false rumors circulating on the internet.

Baka Bet Mo: Rob Gomez feeling superhero dahil sa anak: ‘I’m unbreakable right now…when I have my daughter, I’ll be stronger!’

“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring the Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport.

“It is upsetting that our conversation were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.

“It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations. To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones.”

“Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family. Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone,” paglilinaw pa ni Bianca.

Read more...