Bianca Manalo buntis na nga ba kay Sen. Sherwin Gatchalian?
BUNTIS na nga ba ang Kapamilya actress-beauty queen na si Bianca Manalo? Ito ang tanong ng madlang pipol nang makita nila ang litrato ng dalaga sa Instagram na kuha sa loob ng simbahan.
Makikita sa photo si Bianca habang nagdarasal sa Sacré-Cœur de Montmartre (Basilica of the Sacred Heart of Paris) sa Paris, France.
Ilang followers ng aktres ang nakapansin na tila maumbok ang tiyan nito habang nagtitirik ng kandila sa isang bahagi ng simbahan.
“We light a candle for many purposes: to dedicate prayers, solidify intentions, offer blessings, and/or to nourish grateful living. Blessed Sunday [heart emoji],” caption ni Bianca sa nasabing litrato.
Sa dami ng mga nagtanong kung magiging nanay na rin ba siya, diretsong sagot ni Bianca, “I’m not.”
Si Sen. Sherwin Gatchalian ang boyfriend ngayon ni Bianca at inaasahang ngayong 2020 na magaganap ang kanilang kasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.