Cedrick Juan super cry nang manalong best actor sa MMFF 2023; may panawagan

Cedrick Juan super cry nang manalong best actor sa MMFF 2023; may panawagan

Cedrick Juan at Pepe Diokno

IYAK bang iyak ang baguhang aktor na si Cedrick Juan nang magwaging best actor sa naganap na Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal kagabi, December 27.

Hindi inasahan ni Cedrick na tatalunin niya ang mga bigatin at premyadong mga aktor na nakalaban niya sa nasabing kategorya.

Wagi si Cedrick para sa naging performance niya sa historical film na “Gomburza” kung saan ginampanan niya ang role ni Fr. José Burgos na pinatay noong panahon ng mga Kastila.

Tinalbugan niya sa pagka-best actor sina Christopher de Leon para sa “When I Met You in Tokyo”, Alden Richards para sa “Family Of Two”, Piolo Pascual for “Mallari”, Dingdong Dantes for “Rewind”, at Derek Ramsay ng “(K)ampon.”

Baka Bet Mo: LGBTQIA+ movie ‘Two And One’ panalo sa threesome; Miggy Jimenez susunod sa yapak nina Jake Cuenca at Jericho Rosales

Hindi napigilan ni Cedrick na maging emosyonal nang tanggapin niya ang kanyang tropeo. Talagang napaiyak siya nang bonggang-bongga habang nagpapasalamat sa kanyang pagkapanalo.


Sa simula ng kanyang acceptance, in-introduce muna niya ang sarili sa audience, “Sorry po, magpapakilala lang po ako sa inyong lahat. Marami sa inyo ang hindi nakakakilala sa akin. Ako po si Cedric Juan.”

Baka Bet Mo: BL actor hinaras nga ba ng direktor kaya magdedemanda?

Pinaalalahan din niya ang sambayanang Filipino tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, “Inaalay ko po itong parangal na ito para sa lahat ng Pilipinong hindi nakakakuha ng tamang hustisya dahil 152 years ago ganoon po ‘yung nangyayari sa atin.

“‘Yan din po ang kwento ng tatlong padre na sana ay matuto tayo sa ating history, hindi dahil para baguhin ito kundi para matuto.

“Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat dahil sumugal po kayo sa akin sa katulad ko na nagmamahal sa pag-arte, maraming-maraming salamat teatro,” mensahe pa ng aktor.

Bukod kay Cedrick, nanalo rin bilang Best Director si Pepe Diokno para sa “Gomburza”. Ang naturang entry din ang nakapag-uwi ng Best Cinematography, at Best Sound, Best Production Design at 2nd Best Picture.

Read more...