Gladys pag nagloko si mister: Kawalang respeto sa pagkababae ko

Gladys di keri pag nagloko si mister: Kawalang respeto yun sa pagkababae ko

Ervin Santiago - December 29, 2023 - 07:05 AM

Gladys di keri pag nagloko si mister: Kawalang respeto yun sa pagkababae ko

Christopher Roxas at Gladys Reyes

SUPER red flag para sa premyadong aktres na si Gladys Reyes kapag nagtaksil sa kanya ang asawang si Christopher Roxas.

Game na game na sinagot ng “Black Rider” star ang mga tanong na may kinalaman sa pakikipagrelasyon, lalo na ang tungkol sa cheating sa pagitan ng mag-asawa.

Ayon kay Gladys, hangga’t maaari ay huwag gawing option ng isang married couple ang maghiwalay kapag dumating ang mga challenges sa kanilang pagsasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


Sa relasyon daw nila ni Christopher, may tatlong factors daw silang pinaniniwalaan at sinusunod na malaking bahagi raw sa pagkakaroon nila ng solid at successful relationship.

Baka Bet Mo: Gladys Reyes, Christopher Roxas ibinandera ang ‘3Ps’ na sikreto sa 30 years na pagsasama

Kuwento ng aktres sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, 11 years silang naging mag-boyfriend ni Christopher bago sila ikinasal.

Aniya, wala naman talaga silang sikreto  para mas mapatatag ang kanilang pagsasama as married couple.

“Wala namang handbook talaga diyan, eh, di ba? Kasi, case to case basis, eh. Puwedeng nag-work sa’yo, hindi nag-work sa amin, di ba? Iba ‘yung nag-work sa amin,” pahayag ni Gladys.

Dagdag pang sabi ng aktres, napakahalaga ng faith at prayers sa isang relasyon, lalo na sa mga mag-asawa.

Sey ni Gladys, “’Yung faith namin is a big, big factor, ‘no? Because, alam mo ‘yung iba ‘yung may takot, di ba? May takot ka na masira ‘yung family, na masira ‘yung relationship.”

Totoo rin daw na sa isang relationship, darating at darating ang panahong parang gusto mo nang bumitaw at sumuko dahil sa tindi ng pagsubok sa pagsasama ng mag-asawa.

“Pero, bigla mo maiisip, you go back to number one, ‘yung faith at saka ‘yung prayers. Oh, bigla mo maalala. Hindi, hindi naman, hindi option dapat ang hiwalayan. Never magiging option yan,” ani Gladys.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


Importante rin daw ang “partnership” sa isang married couple. Sabi ni Gladys, kahit daw anong gawin ni Christopher ay matatanggap niya, pero hinding-hindi ang pagtataksil

Baka Bet Mo: Gladys sa solid na pagsasama nila ni Christopher: Kumbaga sa negosyo, kailangan muna mag-invest, hindi lang emotions…lahat!

“Kahit na mag-boyfriend kami, I always tell him na…kasi parang kawalang respeto na rin yun sa pagkababae ko,” lahad ng aktres.

Rebelasyon pa ni Gladys, tulad ng ibang ordinaryong mag-asawa, hindi rin perfect ang relasyon nila ni Christopher.  Thankful daw siya na hindi siya sinukuan at binitiwan ni Christopher.

Sinabi rin naman daw sa kanya ng asawa na pang-forever na ang kanilang pagsasama.

“Kaya rin siguro, nag-decide na siya na talagang, let’s get married. Kasi, imagine, tagal naming mag-boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang, ma-imagine mo pa ba ang sarili mo pag gising mo isang umaga after 11 years, uy, wala na,” sey pa ni Gladys Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending