PROUD na ipinakita ng aktres na si Sarah Lahbati ang kanyang bagong red card sa madlang pipol.
Sa kanyang Instagram post nitong Kapaskuhan, mukhang isang bagong sasakyan ang regalo ng asawa ni Richard Gutierrez sa kanyang sarili.
“Delivering gifts in style,” saad ni Sarah sa caption at nakatag pa ang kilalang brand ng sasakyan.
Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi niya na nasangkot silang mag-anak sa isang vehicular accident. Sa kabila nito ay mapalad naman sila dahil walang nasaktan sa naturang aksidente.
Samantala, nilaro naman ng mga netizens ang comment section at tinawag na “waldasera” at “gastusera” si Sarah.
Aware naman ang lahat sa naging pahayag noon ni Annabelle Rama nang tanungin siya ni MJ Felipe kung totoo ang kumakalat na chikang “gastusera” raw ang aktres.
Baka Bet Mo: Sarah Lahbati may third party raw sa ‘break up’ nila ni Richard Gutierrez?
Sey ni Annabelle, “Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”
Narito naman ang comments ng mga netizens sa post ni Sarah.
“YASSS! FLAUNT IT! ITAAS MO ANG BANDERA NATING MGA GASTUSERANG ASAWA!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Napaka gastadora mo gorl, parang ako.”
“Tipid tipid dn po pag may time paparinggan ka na naman jan [laughing emojis]” hirit naman ng isa kay Sarah.
“Yeheyy,so unbothered pretty angel [heart emoji] Merry Christmas @sarahlahbati,” sabi ng isang netizen.
Giit naman ng isa,”Sus wala pa yan sa mga sasakyan ng asawa nya—jeep, land cruiser atbp—kaya di ako naniniwala gastador si Sarah.”