Xian Lim kay Kim Chiu: 12 years of my life with you was the best gift

Xian Lim kay Kim Chiu: 12 years of my life with you was the best gift
TULUYAN na ngang nagtapos ang mahigit isang dekadang pag-iibigan nina Xian Lim at Kim Chiu.

Ngayong araw ay naglabas na ng official statement ang Kapamilya actress kung saan kinumpirma niya na totoo ang matagal nang bulung-bulungan na hiwalay na sila ng Kapuso actor.

Tila maayos naman ang naging hiwalayan nina Kim at Xian base na rin sa mga mensahe nila sa isa’t isa.

Ilang minuto matapos ang kumpirmasyon ni Kim ay nag-post na rin ang aktor sa kanyang Instagram account.

“Dearest Kim, thank you for the long years we have spent loving each other,” panimula ni Xian.

Pagpapatuloy niya, “The 12 years of my life with you was the best gift I could ever ask for. We have expressed our love for each other to the fullest and knowing that I got to share those moment with you, knowing our hearts beat as one at one point in our lives is truly something I will cherish for life.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Xian Lim kumpirmadong hiwalay na: ‘I hope this clears everything…’


At tulad nga ng ibang bagay ay nagtapos na rin ang kanilang pagmamahalan.

Lahad pa ni Xian, “I am grateful for all the moments we shared together. Thank you for all the unconditional love throughout the years.

“My respect and admiration for you as a person, as an artist, and as some one I spent more than a decade with will always remain.”

Hangad naman ni Xian ang kasiyahan at tunay na pagmamahal para sa dating nobya.

Dagdag pa niya, walang “goodbye” dahil magkikita pa rin naman sila.

“I wish that you will find all the happiness and love you are searching for. You deserve nothing but the best.

“No goodbyes here, i’ll see you around petunia,” ani Xian.

Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan at laman ng mga balita kung kumusta na nga ba ang relasyon ng KimXi.

Sa kabila ng ibang mga balitang tila nagsasabing totong hiwalay na sina Kim at Xian, pinili ng dalawa ang manahimik muna bilang respeto sa isa’t isa.

At ngayon ngang kahit papaano ay maayos na silang nagmo-move on, kinumpirma na nila sa publiko ang totoo lalo na sa mga taong sumusuporta sa kanila.

Read more...