Madam Inutz may patama ba kay Herlene Budol: Hindi lahat ng maganda, mabait

Madam Inutz may patama ba kay Herlene Budol: Hindi lahat ng maganda, mabait
TILA hindi na nakapagpigil ang social media personality at kilalang live seller na si Madam Inutz sa mga batikos na natatanggap.

Ito ay matapos niyang maghayag ng kanyang saloobin ukol sa mga “kunsintidor” na mga kaibigan.

Sa kanyang nagdaang live selling ay sinabi ni Madam Inutz matagal na silang hindi magkaibigan ng taong kanyang tinutukoy sa nagdaang post.

“FYI hindi po kami magkaibigan. Sh*t. She’s just a piece of sh*t,” saad ng kilalang live seller.

Amin pa ni Madam, in-off na niya ang kanyang comment section dahil sa mga hindi magagandang komento na kanyang natatanggap.

Sabi pa niya, lalabas rin naman daw ang totoo.

“Malalaman n’yo rin ang totoo. Ayokong sa akin magmula pero lalabas at lalabas rin ang katotohanan,” sey ni Madam.

Baka Bet Mo: Madam Inutz hindi kunsintidor, may patama ba kay Herlene Budol?

Hirit pa ni Madam Inutz, “Bago n’yo iduluhin ang isang tao, tignan n’yo muna kung perpekto. Tsaka kapag umidolo kayo, siguraduhin n’yong maganda ang ugali…

“Real talk ito a. Hindi lahat ng maganda, mabait.”

Chika pa nga ni Madam, hindi raw niya kaya ang makipagplastikan kaya matagal na niyang tinapos ang kanilang pagkakaibigan.

“Matagal na po kaming hindi friendship. Naku, ayoko lang magsalita.

“Hindi ako ‘yung taong makikipagplastikan. Sinabi ko na ‘yun noon pa,” ani Madam Inutz.

Hindi rin daw niya kaiinggitan ang mga taong masasama ang ugali.

“First of all, may sarili akong pera. Pangalawa, hindi ako trying hard. Pangatlo, malalaman n’yo rin ang totoo. 100% sigurado,” sabi pa ni Madam Inutz.

Read more...