Herlene Budol: Squammy man ako sa paningin nyo, hindi ako hayok sa laman

Herlene Budol: Squammy man ako sa paningin nyo, hindi ako hayok sa laman

MULING pinalagan ng beauty queen-actress na si Herlene Budol ang mga isyung ibinabato sa kanya kaugnay ang leading man na si Rob Gomez.

Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Herlene ngayong linggo matapos mag-leak ang diumano’y pag-uusap nila ng Kapuso actor sa social media.

Ang mga naging palitan ng mensahe nina Herlene at Rob ay mismong naka-upload sa Instagram ng aktor na kalauna’y binura rin.

Makikita sa uploaded screenshots na nag-uusap at nagtatawag sa gabi ang dalawa. Kabilang rin dito ang larawan ng dalawang pregnancy tests na hinihinalang sa beauty queen-actress.

Una nang pinalagan ni Herlene ang chikang buntis siya noong Miyerkules.

At ngayon nga’y muli siyang nagsalita dahil labis nang nakaaapekto sa kanya ang kinasasangkutang kontrobersiya.

Baka Bet Mo: Herlene Budol pumalag sa viral screenshots: Bakit ako nakaladkad?

“‘Yung tahimik lang ako at kaliwa’t kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng mag jowa na may anak. Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa,” panimula ni Herlene.

Aniya, squammy siya sa paningin ng madla pero maayos siyang pinalaki ng kanyang lolo at lola.

“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto akong broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos,” sey ni Herlene.

Aniya, ang mg dating batuhan lang ng linya ay nahaluan na ng mga joke na “kain”.

Baka Bet Mo: Madam Inutz hindi kunsintidor, may patama ba kay Herlene Budol?

“Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang ‘Kain’ ganyan na agad ang tingin nyo sa akin.

“Sumakay lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako.
Pero indi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin,” giit ni Herlene.

Inamin rin niya na sa dalawang national pageant na kanyang sinalihan ay marami siyang natanggap na indecent proposal na malalaki ang halaga.

Sey ni Herlene, “Pero inicip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinag hihirapan indi yung one tym big tym.”

Handa rin daw ang aktres na sampahan ng kaso ang taong nagkalat ng mga screenshots.

Besides, kung sino man nag labas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan ng Data privacy, defamation at cyber libel.

Read more...