Bianca Manalo pumalag sa isyung may ‘something’ sila ni Rob Gomez

Bianca Manalo pumalag sa isyung may 'something' sila ni Rob Gomez

Bianca Manalo at Rob Gomez

BINASAG na ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo ang kanyang katahimikan hinggil sa isyung pasikreto silang nagtatagpo ng Kapuso actor na si Rob Gomez.

Ngayong araw, December 22, naglabas na ng pahayag ang beauty queen upang pabulaanan ang kumakalat na chikang may namamagitan sa kanila ng kanyang co-actor sa teleseryeng “Magandang Dilag”.

Matatandaang nagulat ang madlang pipol kahapon, December 21, nang biglang mag-viral ang screenshots ng mensahe ni Bianca sa co-actor.

Mismong sa Instagram account nga ni Rob ibinahagi ang mga screenshots ng usapan nila pati na rin ang palitan ng usapan nila nina Herlene Budol at Pearl Gonzales na kasamahan niya rin sa naturang teleserye.

At upang wakasan na ang isyu at para malinis na ang kanyang pangalan, naglabas na si Bianca ng kanyang statement.

“Let me clear all the false rumors circulating on the internet.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo, Rob Gomez pasikretong nagkikita, may ‘something’ nga ba?

“Rob Gomez and I are friends and co-workers,” panimula ni Bianca.

Aniya, nakatakda kasing mag-abot ng regalo si Rob sa kanya kaya nais niyang kitain ito nang maaga bago pumunta ng airport.

“He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport,” lahad ni Bianca.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo dedma sa isyu nila ni Rob Gomez, gumala sa Japan

“It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations,” chika pa ni Bianca.

Kasalukuyang nasa Japan ang beauty queen-actress kasama ang kanyang pamilya.

Amin ni Bianca, ang kasalukuyang isyu ay labis na nakakaapekto sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family.

“Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone,” sey pa ni Bianca.

Read more...