‘Mallari’ ni Piolo Pascual sinisiraan, pati si Direk Chito Roño damay?
NITONG Lunes nang gabi ay nakatanggap na kami ng mensaheng sinisiraan ang pelikulang “Mallari” ni Piolo Pascual na entry ngayong 2023 Metro Manila Film Festival na mapapanood na simula sa Disyembre 25.
Base sa mga ipinakakalat na mensahe ng numerong +63962 386 3617 ay ipinamamalita raw ni Direk Chito Rono bilang Jury chairman ng MMFF na hindi maganda ang pelikulang “Mallari” at hindi rin maganda ang acting ng aktor sa pelikula na may tatlo siyang karakter.
Akala namin ay kami lang ang nakatanggap, pero kahapon ng tanghali ay may mga kaibigan na kaming artista, entertainment press, vloggers at social media influencers na tinanong kami kung aware kami at pinadala sa amin ang mensahe na galing sa iisang numero na halatang syndicated ito.
Ang ipinakakalat na mensahe ay, “Comment ng jury chairman na si Chito Rono sa movie na Mallari na, DREADFUL! ANG PANGIT NG MALLARI AT PINAKAPANGIT NA ACTING NI PIOLO during mmff juror’s screening at ibang entries. Inalmahan ito ng ibang jurors. Bakit daw kasi kailangan magcomment agad ang chairman after mapanood na dapat sa deliberation nya ginawa. Ang nangyari daw he is trying to influence other jurors. Sana daw mag isa na lang sya nanood at nagjudge sabi ng isang jury!”
Bukod sa pagpapadala ng nasabing numero sa mga taga-media/vloggers at influencers ay may nag-post naman sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Official Facebook account at ang pangalan ay Kim Manalo with 4.7k followers with the same content.
Baka Bet Mo: ‘Mallari’ ni Piolo ikinumpara sa ‘Feng Shui’ ni Kris: ‘Sana mapantayan…’
View this post on Instagram
Nakakapagtaka lang na hinayaan ng admin ng MMFF Official na may mag-post ng ganito sa thread kung saan pinost nila ang poster ng Mallari na nag-iimbita sa world premiere na gaganapin ngayong gabi sa SM Megamall, Cinema 3.
May statement kayang ilalabas ang MMFF tungkol dito dahil ginamit ang pangalan ni Direk Chito Rono bilang head jury?
Ayon naman sa kaibigang editor ay tinext niya si direk Chito at nagsabi ito ng hindi pa raw niya napapanood ang Mallari.
Therefore, saan nanggaling ang isyung sinabi ni direk Chito na hindi maganda ang Mallari kung hindi pa pala niya ito napanood?
Ayaw naming isiping demolition job ito dahil naniniwala kami na lahat ng pelikulang kasama sa MMFF 2023 at mapapanood sa Disyembre 25 ay magaganda base na rin sa ilang nakapanood na nag-rebyu nito.
Baka Bet Mo: Piolo muntik nang umatras sa ‘Mallari’, umaming nahirapan sa 3 karakter
Sana ay magkatulungan ang lahat ng nasa showbiz industry na muling pasiglahin ang Pelikulang Pilipino dahil ilang taon din nalugmok ito dahil sa COVID 19 pandemic.
Napakaraming tao ang nakisaya sa ginanap na MMFF Parade of the Stars sa CAMANAVA area sana ganito rin karami ang manood ng sine.
Going back to “Mallari” The Movie ni Piolo ay hayaan natin ang taong humusga kung anong masasabi nila sa pelikulang pinaghirapan ng aktor sa buong showbiz career niya dahil ngayon lang siya nakagawa ng tatlong karakter bilang si Father Juan Severino Mallari, parish priest in the 1800s who killed 57 people; Johnrey Mallari, grand-nephew sa taong 1940; at ang present day na si Dr Jonathan Mallari De Dios, isang duktor at great-great-nephew.
Kasama rin ni Piolo sina Ms Gloria Diaz, JC Santos, Ron Angeles, Tommy Alejandrino, Elisse Joson, Janella Salvador at marami pang iba.
Ang “Mallari” The Movie ay mula sa direksyon ni Derick Cabrido at produced ni John Brian Diamante ng Mentorque Productions at distributed ng Warner Bros Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.