Sarah enjoy sa pagiging nanay: Motherhood has changed me for the best!

Sarah enjoy sa pagiging nanay: Motherhood has changed me for the best!

Sarah Lahbati, Zion at Kai Gutierrez

NAPAKARAMING nagbago sa buhay ng aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati mula nang magkaroon siya ng mga anak.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Sarah tungkol sa hiwalayan nila ni Richard Gutierrez pero mukhang may katotohanan nga ang chika base sa mga pasabog ni Annabelle Rama about the issue.

Ngunit sa kabila ng mga maaanghang na salita at rebelasyon ng nanay ni Richard, nananatiling tahimik si Sarah at tila naghihintay pa ng tamang pagkakataon para ibandera ang katotohanan sa breakup nila nila ni Richard.

Mas gusto siguro ng aktres na manahimik na lang muna at mag-focus muna sa pagbabalik niya sa pag-arte at sa pag-aala sa mga anak nila ni Richard na sina Zion at Kai.

Sa isang video interview ng Mega kay Sarah na napapanood sa kanilang YouTube channel, nag-share ang aktres ng ilang kaganapan sa kanyang buhay, kabilang na ang pagiging nanay.

“It feels like enlightening, I would say. It feels so much different in a good way. Motherhood has changed me for the best. It made me the best version of myself,” ang bahagi ng pahayag ni Sarah.

Aniya pa, “The best thing about being a mother is hugging my kids. Being able to care for them, seeing them fall asleep. I love watching them grow, you know being there during their milestones.”

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Mas nae-enjoy na rin daw niya ngayon ang mga bonding moments nila ng mga anak dahil medyo malalaki na ang mga ito.


“It’s fun. It’s chaotic. It’s noisy and when the house is quiet, it’s weird, but it’s a lovely, beautiful ride,” paglalarawan pa niya sa pagiging ina.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment ng netizen

Napakarami rin daw niyang natutunan sa paggabay ng kanyang inang si Esther Lahbati sa pagpapalaki at pag-aalaga sa dalawa niyang anak.

“In different ways she shows her nurturing side through food, through worrying, through always being there, through being tough in the best way.

“All those things she’s done for me and doing the same for my children and somehow in my own way as well,” aniya pa.

Dagdag pang chika ni Sarah about her kids, “My goals for my children is for them to grow up to be God-fearing, kind, respectful. I always remind them of the importance of appreciating the small things.”

Ano naman ang nais niyang ipayo sa mga anak pagdating sa usaping love lalo pa’t napakabilis lumaki ng mga bata ngayon?

“My advice for Zion and Kai about love is look in words to not just look at the physicality of a person but their personality, values, how kind are they, do they know about respect, are they the type of people that like helping each other,” sey ni Sarah.

Samantala, kahit nagbabalik-showbiz na ang aktres, ang kanyang pamilya at mga anak pa rin ang kanyang top priority.

“I always give time for my family, that’s my number one priority over my career or anything else. It’s just a natural thing for me,” aniya.

Read more...