Matteo sa mga single: ‘Marriage is the most wonderful thing in the world!’

Matteo sa mga single: 'Marriage is the most wonderful thing in the world!'

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

TOP priority pa rin ng Kapuso actor-TV host na si Matteo Guidicelli ang kanyang pinakamamahal na asawang si Sarah Geronimo.

Yan ang siniguro ni Matteo sa gitna ng napaka-busy niyang schedule ngayon dahil sa dami ng kanyang trabaho at commitments ngayong 2023.

Bukod kasi sa kanyang morning show sa GMA 7 na “Unang Hirit” at sa primetime series niyang “Black Rider”, kaliwa’t kanan din ang events niya para sa promo ng kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2023 na “Penduko.”

Ngunit sabi nga ng aktor, kahit na anong mangyari, si Sarah G pa rin ang una sa listahan ng mga priority niya sa buhay at handa siyang gawin ang lahat para mapaligaya ang kanyang wifey.

“’Yun ‘yung priority, ‘yung asawa, siyempre. But work, I have a great team that handles my schedule and everything so sila na bahala du’n magsiksikan,” ang paniniguro ni Matteo.


Tinanong namin si Matt sa nakaraang grand presscon ng “Penduko” kung posible bang magsama sila ni Sarah sa isang pelikula sa darating na 2024 dahil sa dami ng fans na nagre-request nito sa Viva Entertainment.

“Hindi ko pa alam pero if there’s a good script why not, why not? Kung may right material and timing. Siya yung boss, eh. Ha-hahaha! Pero sana, sana, one day mangyari yan,” sey ni Matteo.

Baka Bet Mo: Matteo ready nang maging daddy sa magiging baby nila ni Sarah: ‘By the end of the year, pag-pray natin na makabuo na’

Pero any siniguro ni Matteo ay ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon dahil sa napakagandang takbo ng kanilang married life ni Sarah.

Sa katunayan, palagi raw niyang sinasabi sa mga single niyang kaibigan na napakasarap ng buhay may-asawa tulad ng nararanasan nila ngayon ng kanyang misis.

“I tell my friends lahat na single pa, once you find the right one, marriage is the most wonderful thing in the world.

“Having a partner that you combine, you synergize together and you dream together, you achieve roles together is the most beautiful thing in life,” lahad ni Matteo.


Nagbahagi rin ang aktor ng kanyang saloobin tungkol sa mga nangyayaring hiwalayan ngayon sa mundo ng showbiz, tulad na lang ng breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang hindi pa ring umaaming sina Kim Chiu at Xian Lim at Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Baka Bet Mo: Matteo sa relasyon niya sa mga magulang ni Sarah: ‘I just wish one day everything will be OK’

“I think we have to learn from our parents or the older ones na talagang successful or kahit hindi successful sa marriage, you learn from them, you get tips and how to keep the fire alive,” reaksyon ni Matteo.

Sey pa ng husband ni Sarah G, wala namang perpektong relasyon at lahat ng mga magdyowa ay dumaraan sa mga challenges, nasa paraan na lang daw yan ng pag-resolve sa mga issue. Ang mahalaga raw ay palaging mag-usap at magdasal.

“It’s a work in progress e, kailangan na magtingin kayo sa gitna, kailangan mag-adjust kayo. Hindi madali kumbaga, hindi madali,” ani Matteo.

Ang mensahe naman niya sa mga kapwa aktor na nasa isang relationship at dumaraan sa mga pagsubok, “Sa lahat-lahat ng mga tsismis, mga actors here and there, sana maayos naman nila.”

Read more...