Kylie effortless ang pagiging sexy: ‘It’s not my fault…it’s just natural’
ISA sa mga nagustuhan ng beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa sa “Penduko” ay ang mga ipinaglalaban ng pelikula.
Isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 ang “Penduko” na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.
Sa presscon ng “Penduko” kamakailan, sinabi ni Kylie na proud na proud siya sa kanilang pelikula kaya sana ay maraming makapanood nito sa mga sinehan simula sa December 25.
Maraming nag-react sa trailer ng movie lalo na sa mga eksena ng ating Miss International 2016 kung saan seksing-seksi ang dalaga sa kanyang superhero costume.
Nang mahingan siya ng reaksyon tungkol dito, sinabi ng dalaga na wholesome ang role niya sa “Penduko” at nagkataon lang na medyo sexy ang kanyang costume.
“I beg to disagree that most of my films are sexy. If you watched my recent film, by Direk Jason Paul Laxamana, Baby Boy, Baby Girl na nag-number one sa Amazon Prime, which had no sexy scenes at all.
“Sometimes it’s not my fault anymore. Baka po sa pag-perceive niyo na lang or something. But, I don’t know why. I don’t try to be sexy or anything.
“I guess it’s, you know, it’s just natural. I don’t try to be anything more than I am. Feeling ko kahit sino magsuot ng costume na ito, sexy pa rin siya.
“Feeling ko sa personality, sexy, hindi lang po sa damit, hindi lang po sa pagpapakita ng katawan. It’s the way you talk, it’s the way you carry yourself.
View this post on Instagram
“And si Liway po, hindi po siya sobrang sexy. Feeling ko nga, hindi niya alam na maganda siya. Pero malakas yung dating, malakas yung…she fights for something she holds… she believes in Pedro Penduko.
“For me, parang simple na woman, hindi lang lalaki ang puwedeng makipag-away. May mga babae na puwedeng mag-excel in different forms of let’s say martial arts,” aniya pa.
Sey pa ni Kylie, ipinagmamalaki niya na nakasama siya sa nasabing fantasy-action movie na rated for general patronage kaya pwede itong mapanood ng mga bata at ng buong pamilya.
Baka Bet Mo: Nikko Natividad pangarap gumanap na Pedro Penduko: Gustung-gusto ko kasi ‘yung humor ni Sir Janno Gibbs
“I was so happy when Director Jason Paul , who also directed me in ‘Baby Boy, Baby Girl’, got me to play the role of Liway in ‘Penduko’, which is pambata.
“I am a mananambal here, who has special powers, and I get to do a lot of action scenes. Noon ko pa gusto mag-try ng action and I’m glad I got to do it here in Penduko,” ani Kylie na talagang sumailalim sa matinding training para sa kanyang action at fight scenes.
“I like Liway kasi she represents woman empowerment. She’s the valedictorian in their class, she’s a strong woman who champions women’s rights.
“I trained for the fight scenes we have in the movie, specially how to do arnis.
“Challenging talaga ang role ni Liway kasi I’m also made to deliver long lines in malalalim na Tagalog and I’m so happy naitawid ko naman siya,” dagdag pa niya.
At tungkol naman sa kanyang lovelife, inamin ni Kylie na may special someone na siya ngayon pero hindi raw taga-showbiz ang guy kaya mas gusto muna niyang gawing private ang kanyang personal life.
“Basta I’m so happy. I’m so happy right now. And I honestly want to keep it private this time. It’s better to keep it as a private relationship as it’s so much more peaceful,” sey pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.