Miguel, Ysabel exclusively dating; ‘Firefly’ special screening star-studded

Miguel, Ysabel exclusively dating; premiere night ng 'Firefly' star-studded

Euwenn Mikaell, Alessandra de Rossi, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega

“EXCLUSIVELY dating” na ang status ngayon ng Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Yan ang ibinandera nila nang matanong kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon makalipas ang ilang taon ng pagiging magkaibigan.

Inamin nina Miguel at Ysabel sa “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, December 12, na more than friends na ang kanilang label at “exclusively dating” na sila.

Sabi ni Miguel, “Napag-usapan po natin kanina, may business (si Ysabel), nagpi-film school naman ako. So, hindi po kami in rush ni Ysabel.

“Alam naman natin na once na nagmadali ka sa isang relasyon ay puwedeng masayang yung isang magandang bagay,” sabi pa ng Kapuso matinee idol.


“Sa ngayon hindi rin ako nagpapaligaw,” ang reaksyon naman ni Ysabel.

Binigyan naman ni Tito Boy ng chance sina Miguel at Ysabel kung ano ang gusto nilang itanong sa isa’t isa. Ani Miguel kay Ysabel, “I just wanna know kung genuinely happy ka ba sa kung anong meron tayo ngayon?”

Baka Bet Mo: Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko

Tugon ni Ysabel, “Honestly, yes, of course. Super. Hindi mo alam how much you make me happy.”

Singit na tanong ni Tito Boy, “Ysabel, is there specific thing that really makes you happy?”

Sagot ni Ysabel na medyo naging emosyonal, “Siguro yung patience niya. Well, kasi halos araw-araw magkasama kami.

“Even kapag hindi kami magkasama, lagi niya akong kinakausap and palagi akong nagra-rant sa kanya about my problems. Super grateful ako na palagi siyang nandiyan para makinig sa lahat,” aniya pa.

Tanong naman ni Ysabel kay Miguel, “How long are you willing to love me?”

Sey ni Miguel, “Ako, tama yung sinabi ni Tito Boy kanina, na yung love makes you stronger. And ako, never kong nakita yung sarili ko na ganito before.


“So, nagugustuhan ko yung version ng self ko ngayon kaya I’m willing to wait. Yung patience ko kahit na hindi ako pasensiyosong tao, hinahabaan ko for you,” dugtong pa ng binata.

Samantala, napanood na namin ang unang pelikula together nina Miguel at Ysabel na “Firefly” na isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Naganap ang premiere night nito kagabi sa SM The Block cinema na dinaluhan ng lahat ng cast members at ng direktor ng movie na si Zig Dulay. Bukod kina Miguel at Ysabel, naroon din sina Alessandra de Rossi, Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Epy Quizon, Max Collins at ang child star na si Euwenn Mikaell.

Baka Bet Mo: Miguel Tanfelix umamin na kay Ysabel Ortega: Yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko sa kanya

May special participation din sa pelikula ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Ang “Firefly” ay mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.


In fairness, star-studded din ang naganap na premiere night na talagang sinuportahan ng ilang Kapuso stars at mga nirerespetong personalidad sa public affairs ng GMA 7.

Naroon sina Barbie Forteza, ang mga naging co-stars nina Miguel at Ysabel sa “Voltes V: Legacy”, sina Jessica Soho, Kara David, Atom Araullo, Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, National Artist Ricky Lee, GMA Pictures Senior Vice President and First Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon at marami pang iba.

Showing na ang “Firefly” sa mga sinehan nationwide simula sa December 25, bilang bahagi ng MMFF 2023. Kung maganda ba ang pelikula, that’s another story to tell!

Read more...