‘CIA with BA’ patuloy na namamayagpag, mas pinaaga ang timeslot

'CIA with BA' patuloy na namamayagpag, mas pinaaga ang timeslot

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

PATULOY na umaani ng tagumpay ang public service program na “CIA with BA” dahil sa pagtaas ng ratings nito sa mga nagdaang linggo.

Ang 45th Catholic Mass Media Awards Best Talk Show nominee ay nakakapagtala ng 1.5% nationwide viewership sa huling tatlong episodes sa maaga nitong time slot na, 11:15 p.m. tuwing Linggo.

Samantala, simula ngayong Disyembre 17, magbabalik na ang “CIA with BA” na pinangungunahan ng magkapatid na Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano at ni Boy Abunda sa dati nitong time slot na 11 p.m..

Kasalukuyang nasa ikaapat na season, nananatiling tapat ang program sa layunin nitong makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa usaping legal.

Sa episode nitong Disyembre 10, isang emosyonal na babae ang dumulog sa “Payong Kapatid”tungkol sa posibleng manahin ng walo niyang anak mula sa yumaong kinakasama.

Baka Bet Mo: Carla Abellana naloka sa taas ng presyo ng gasolina: Hindi pa nga ‘yan full tank!

Bagamat klaro na wala siyang mahahabol na para sa kanyang sarili dahil mayroong legal na asawa ang dating kinakasama, nais lamang niyang ipaglaban ang para sa mga anak.

Sa “Case 2 Face” segment naman, naresolba ang isyu sa pagitan ng dalawang lalaki na nagkatutukan pa ng kutsilyo dahil sa kalasingan.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

Read more...