Pokwang sinunod ang payo ni Uge na ipahiram na si Malia kay Lee O’Brian

Pokwang sinunod ang payo ni Uge na ipahiram na si Malia kay Lee O'Brian

Pokwang at Eugene Domingo

ISA si Eugene Domingo sa mga taong kinapitan at sinandalan ni Pokwang noong kasagsagan ng isyu sa kanila ng dati niyang partner na si Lee O’Brian.

Ayon kay Pokey, palaging handang makinig si Uge sa mga kadramahan niya sa buhay lalo na kapag may pinagdaraanan siya sa kanyang lovelife.

Hindi raw ito nagkulang sa pagbibigay ng advice at pagdamay sa kanya sa tuwing nakararanas ng pagkabigo sa anumang aspeto ng kanyang life kaya naman itinuturing na niya ito na parang tunay na sisteraka.

Sa naganap na presscon para sa pelikula nilang “Becky and Badette” na official entry sa Metro Manila Film Festival 2023, nagpasalamat si Pokwang kay Uge dahil talagang ipinaramdam nito sa kanya ang tunay na ibig sabihin ng pagkakaibigan.

Sa katunayan, pinatotohanan din ni Pokey na tumatayo na ring ina ng kanyang mga anak si Uge, lalo na sa bunso niyang si Malia.

Baka Bet Mo: Uge ayaw talagang magkaanak: ‘Yung magmahal na parang isang ina, kaya ko’

At in fairness, isa si Eugene sa nagkumbinsi kay Pokey na ipahiram na si Malia sa tatay nitong si Lee. Medyo kalmado at “chill-chill” na raw siya ngayon dahil sa advice ng mga kaibigan.

“Meron din siyang ano sa akin, na ‘Sis, siguro yung bata, di ba, ganyan-ganyan?’ Basta it’s all about Malia,” sey ni Pokwang na open na rin sa posibilidad na magkakaayos sila ni Lee bilang magulang ng kanilang anak.

Mensahe pa ni Uge kay Pokwang, “Ang advice ko lang kay Pokwang lagi is, huwag niyang pagsisihan ang lahat na magiging desisyon niya.”

Samantala, sa 2024 ay ise-celebrate na ni Pokwang ang kanyang 2Oth anniversary sa showbiz.

“2OO4 kasi when I joined the search for new comedians in Clown in a Million at doon ko unang na-meet si Eugene Domingo or Uge for short. Napakabait niya. Hindi niya alam na fan na niya ako noon pa man sa TV shows na ginagawa niya,” aniya.


Favorite daw niya yung serye ni Uge na “Marina”, “Yung character niya as Lorelei, isang sirena, fan na fan ako. Nang magkasama na kami, very accommodating siya.

Baka Bet Mo: Eugene Domingo muntik nang mabiktima ng online scammer: Ang aga-aga nagpabudol ako!

“Nakikisakay pa ako sa kotse niya pag-uwi from our taping. Kaya nang pagsamahin kami sa ‘D’ Lucky Ones’ in 2OO6 na pantay kami ng billing, it was a very big honor for me,” kuwento ni Pokwang.

Ngayon ay magkasama uli sila sa MMFF 2023 entry na “Becky and Badette”,  “Napakasarap katrabaho ni Uge kasi she’s a giver. Sa mga eksena nyo, sasakyan niya yung trip mo. And I can really feel yung concern niya sa akin, sa amin ng mga anak ko. Kaya Sis talaga ang tawagan namin sa isa’t isa.”

“It’s a big honor na our movie made it as an official entry in the Metro Filmfest. Super promote kami ngayon at una kaming nag-personal appearance sa O Bar sa Ortigas and very warm ang pagtanggap sa amin ng dancing drag queens as their special guests noong Friday, December 1st.

“Talagang tinanggap nila kami nang bonggang-bongga and they all promised na ‘Becky and Badette’ ang una nilang panonoorin sa darating na festival!” aniya pa.

Read more...