‘Alam ni Coco kung ano ang totoong buhay, alam niya ang kahirapan’ – Charo

'Alam ni Coco kung ano ang totoong buhay, alam niya ang kahirapan'

Charo Santos at Coco Martin

MAY mga pagkakataon na hindi naiintindihan ng ilang taga-showbiz at ng madlang pipol ang Teleserye King na si Coco Martin.

Kaya naman ipinagtanggol siya ng award-winning actress at dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos, lalo na sa mga taong nanghuhusga sa Kapamilya superstar.

Magkasama ngayon sina Charo at Coco sa action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan gumaganap silang maglola bilang sina Tindeng at Tanggol.

Puro papuri ang ibinigay ni Charo kay Coco nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” kamakailan at matapos mapanood ang video message mula sa aktor bilang pa-surprise sa kanya ng morning talk show ng ABS-CBN.

Dito ibinandera nga ni Coco kung gaano niya kamahal at nirerespeto bilang tao at artista si Charo. Hinding-hindi rin niya makakalimutan ang kabaitan at pagiging professional ng veteran actress.

Baka Bet Mo:Kanto birthday party’ ni Donnalyn Bartolome binasag ng isang FB page: ‘Kelan pa naging b-day theme ang kahirapan?’

“Oo, love na love ko rin siya. Very committed, very generous na tao. Hindi lang sarili niya ang iniisip niya, iniisip niya lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho,” ang reaksyon ng premyadong aktres sa video message ni Coco.

Patuloy pa niya, “He can be misunderstood, pero ‘yung gusto niyang dedikasyon mo sa trabaho ay nanggagaling lang sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, pagmamahal niya sa industriya.


“Si Coco, alam niya ang buhay. Alam niya ang totoong buhay. When he speaks about kahirapan, alam niya ang kahirapan.

Baka Bet Mo: Julia umaming mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz, nagpasalamat kina Dimples at Kathryn

“When he speaks about pagsisikap, alam niya ang sinasabi niya, so totoo lahat ‘yon sa kanya. So nakaka-inspire kasi nangarap siya para sa sarili niya at sa pamilya niya,” paglalarawan pa niya

Kasunod nito, binigyan din niya ng advice si Coco, “Ang payo ko sa aking apo kapag nagkikita kami, ‘huwag ka makakalimot, stay grounded.’

“Because you know sometimes when you are successful nakakalimot tayo. Nawawala ‘yung awareness natin sa totoong nangyayari sa buhay, nakakalimot.

“So dapat huwag na huwag makalimot. You stay grounded because lahat ay lumilipas, lahat,” mariin pang sabi ng aktres.

Samantala, napapanood pa rin ang “Batang Quiapo”, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

Read more...