Angel sa mga nanghuhusga sa LGBTQ: Si Lord po ang judge, hindi tayo | Bandera

Angel sa mga nanghuhusga sa LGBTQ: Si Lord po ang judge, hindi tayo

Ervin Santiago - July 02, 2020 - 09:47 AM

ANGEL LOCSIN

KINUWESTIYON ng ilang netizens ang pagsuporta at pagtatanggol ni Angel Locsin sa LGBTQIA+ community.

Bilang isang Christian, hindi raw tamang maging “proud ally” ang Kapamilya actress-TV host ng mga bading at tomboy dahil labag umano ito sa mga kautusan ng Diyos. 

Nagsimula ang isyung ito nang mag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng rainbow colors na sumisimbolo sa LGBTQIA+ Pride Month na may nakasulat na “Proud Ally.” 

“In a world with so much hatred, everyone should be allowed to feel safe & loved,” ang mensahe naman niya sa caption gamit pa ang hashtag #FreePride20 bilang pagkondena sa ginawang pag-aresto ng mga pulis sa ilang lumahok sa Pride march sa Manila last week.

May mga kumampi kay Angel sa pagsuporta niya sa queer community pero may ilan ding nagsabi na taliwas ito sa paniniwala ng mga Born Again Christian.

Isang netizen ang nagkomento na hindi dapat tino-tolerate ni Angel ang mga bading at lesbian lalo na ang nasa same-sex relationship dahil isa itong kasalanan sa Diyos.

May mga nagsabi naman na mas lalo lang daw nagiging makasalanan ang mga naaa gay community dahil sa pagtatanggol sa kanila ng mga tulad ni Angel.

Ito naman ang sagot sa kanila ng aktres, “As for my knowledge as a Christian, ang paulit-ulit na binabanggit sa Bible is, ‘Love one another’ or, ‘Love your neighbor.’ 

“‘Yan ang tungkulin natin sa Diyos at kapwa na dapat nating sundin at Diyos lang ang makakahusga,” paliwanag pa ng dalaga.

Patuloy pa niya, “I’m all for equal rights. Why deny them that, dahil tingin mong tama ka?”

Para naman sa mga nanghuhusga at nagsasabing okay lang maging beki o tibo pero ang magkaroon ng relasyon ang parehong lalaki o babae ay maling-mali, lalo na sa paningin ng Diyos.

“Sorry po pero you are judging them. “That’s not your job. Your job in this world is to love your neighbor. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya marami ang nati-turn off magbalik sa simbahan sa mga LGBTQ+ dahil sa mga ganito. Si Lord po ang judge at hindi tayo,” depensa pa ni Angel sa LGBTQIA+ community.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending