Paolo ng Ben&Ben pinasalamatan ang ‘past self’: Thank you for not giving up

Paolo ng Ben&Ben pinasalamatan ang 'past self': Thank you for not giving up

Paolo Benjamin Guico

MARAMING na-touch at na-inspire sa social media post ng Ben&Ben vocalist na si Paolo Benjamin Guico patungkol sa kanyang “past.”

Nag-share ang award-winning OPM singer-songwriter ng kanyang throwback at present photos sa kanyang Instagram account kung saan pinasalamatan niya ang sarili.

Short but sweet at punumpuno ng puso ang naging hugot ni Paolo, “Thank you, past self. Thank you for pursuing your dreams, and not giving up even when it seemed impossible.”

Baka Bet Mo: Bimby nakiusap sa fiancé ni Kris: I love you Tito Mel, please take special care of mama…

Aniya pa, unti-unti na niyang naisasakatuparan ang kanyang mga pangarap kasama ang ilan sa kanyang malalapit at tunay na mga kaibigan.


“All your struggles were worth it,” ang nakasaad pa sa kanyang IG post.

In fairness, sa maikling panahon ng Ben&Ben sa entertainment industry ay nakagawa na sila ng sarili nilang pangalan at patuloy na namamayagpag sa music scene hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra pinaplano na ring magpatanggal ng dibdib, na-inspire kay Jake Zyrus

Last December, 2022 ay naganap ang kanilang homecoming concert bilang selebrasyon para sa isang taong puno ng record-breaking achievements, kabilang na ang successful nilang US tour.

“To match that sense of gratitude, we wanted to mount our largest show yet, with our longest set, most ambitious performance ideas, and simply the best of what we’ve made through the years,” ang bahagi ng statement ng grupo.

“We are most excited about bringing this show, finally, to our Liwanag, because it had definitely been a long journey with a lot of hard work to get here,” dagdag pa.

Matatandaan namang last April, ibinandera ni Paolo ang kanyang bonggang weight loss journey, “I embraced a more active lifestyle to get to a better mental state. The weight loss and the rest followed.”

Read more...