Chito umaming nagi-guilty kapag hindi napagbibigyan ang request ng 2 anak
NAGI-GUILTY ang OPM icon na si Chito Miranda kapag hindi niya napagbibigyan ang mga anak sa tuwing maglalambing ang mga ito sa kanya.
Kuwento ng award-winning singer-songwriter, may mga pagkakataon na hindi na niya magawang makipaglaro at makipagkulitan sa dalawang anak nila ni Neri Miranda.
Sa Instagram, nag-post si Chito ng litrato ng mga anak kalakip ang madamdamin niyang mensahe para sa mga ito. Dito inamin nga niya ang tunay na nararamdaman bilang tatay.
Sabi ni Chito sa caption ng kanyang IG post, “Migs and Cash…
“I always try my best to find time na makipaglaro with them, pero minsan busy or pagod talaga ako, and sobrang nagi-guilty talaga ako tuwing di ko sila napagbibigyan.
View this post on Instagram
“Pero tuwing kaya, yun talaga ang priority ko…gusto ko maramdaman nila na present ako for them.
“Dadating kasi yung time na hindi na nila ako kukulitin makipaglaro…kaya sinusulit ko na,” ang sey pa ng singer at coach sa “The Voice Generation” ng GMA 7.
Pinusuan naman ng ilang netizens ang IG post ng Parokya ni Edgar frontman. Narito ang ilang comments na nabasa namin.
“Gwapo to sa personal, mga kids every weekdays ko nakikita yan kahapon enjoy laro sa basketball court kahapon idol.”
“Singit ah..Kamukha ni Chito ah. Super Cute!”
“Grabe ang lakass ng dugo moo, mga chinito anak niyo. Anyways, wla na ba kayo balak pa sundan yan para malaman naman kung ano itsura kung babae naman anak niyo. Sayang din ganda ni Neri eh, di na mapamana.”
“Gigil kami!!!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.