Lagot! Kilalang personalidad idedemanda dahil sa ipinakalat na fake news

Lagot! Kilalang personalidad idedemanda dahil ipinakalat na fake news

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sing-sino sila?

HUGAS-KAMAY ngayon ang kilalang personalidad dahil takot na baka idemanda siya ng taong ginawan niya ng kuwentong kutsero.

Gusto lang daw gumawa ng ingay ng kilalang personalidad kaya ginawan niya ng “fake news” bagay na hindi siya lumusot dahil nabukelya kaagad ng taong malapit sa kanilang dalawa.

Super tsika ang kilalang personalidad at ‘yung taong ginawan niya ng kuwentong hindi totoo.

“Kaya nahihiya siya kasi maganda ang pakitungo sa kanya ni ____ (taong ginawan ng kuwentong kutsero) tapos sinisira-siraan niya,” say pa ng aming source.

Baka Bet Mo: Vhong ayaw nang maalala ang taong ‘dedma lang’ nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape

Bigla kaming may naalala na matagal ng bulung-bulungan sa showbiz na ang kilalang personalidad ang piping saksi sa nagaganap sa aktor at sa kanyang kinikilalang “boss” kaya ginawan ng kuwentong imbento lang para ma-divert ang isyu.

Very reliable ang aming source, pero duda pa rin kami sa aktor at sa kinikilalang “boss” ng kilalang personalidad dahil parang hindi naman ganu’n ang tipo niya at saka paano na ang plano niyang magpakasal someday?

Gusto naming bigyan ng benefit of the doubt ang kilalang personalidad kaya sa ngayon ay mag-oobserba muna kami sa mga kilos at galaw ng bida sa ating blind item.

Sa kasalukuyan ay nahaharap sa kontrobersya ang aktor dahil sa isyung ayaw niyang sagutin.

Read more...