Bandera Editorial #1: Para tuloy pa ang MRT | Bandera

Bandera Editorial #1: Para tuloy pa ang MRT

- September 13, 2010 - 01:41 PM

Bandera Editorial

KAHIT walang gusto na itaas ang pasahe sa MRT, nagpasya na ang administrasyong Aquino na kahit magkano ay itaas na ito, sa kabila ng inirekomenda ng Department of Transportation and Communication na P25 dagdag.
Maging mga kaalyado ni Pangulong Aquino ay nangangamba na tatamaan ang punong ehekutibo kapag itinaas na ang pasahe at sabayan sa dahan-dahang pag-akyat ang inflation rate, na tatagal hanggang Disyembre.
Sa mga nananawagan sa DOTC na magsagawa pa ng dagdag na pagsasangguni sa taumbayan, isa lang ang sagot ng mga pasahero araw-araw: Huwag na!  Ano pa nga naman ang silbi ng pagsasangguni kung may kapasyahan na?
May pagdududa, pero kailangang patunayan pa, ang mga pasahero.  Tutal, umaapaw ang mga bagon sa rush hour, pasakayin ang mahihirap sa bus at ang may kaya ay sa MRT.  Kumbaga, ang mga taga-Pasay ay sa mga bus, ay ang mga taga-Makati ay sa MRT.
Pero, gayunpaman, sino ba ang matutuwa sa taas-pasahe?

* * *

Bandera Editorial #2

…bisikleta ang sakyan

NOONG mga huling bahagi ng Dekada ’60, ang taumbayan ang sumasakay sa bisikleta.  Sa Maynila’t Pasay, ipinarerehistro pa ang mga bisikleta sa City Hall at binibigyan ng plaka ang bawat sasakyan, patunay na ito’y nakarehistro na at nagbayad na ng tamang buwis.
Sa Maynila ay mahigpit ang regulasyon dahil taun-taon ay nire-renew ang rehistro, kaya pumapasok sa kaban ng bayan ang pera.  Mula Maynila hanggang Pasay, Paranaque, Las Pinas at Cavite ay namimisikleta ang marami.
Ngayong 2010, sa Marikina ay may tanging Bike Lane sa mga pangunahing lansangan at hindi ito inookupa ng mga jeepney, atbp., para makaiwas sa tiket at multa.
Di ba ninyo napapansin na sa bawat konstruksyon ng mga high-rise buildings ay nakaparada’t nakatambak sa labas, sa ibaba, ang mga bisikleta ng mga obrero?  Kahit na manu-mano ang kanilang trabaho, di sila napapagod magbisikleta.
Dahil ang bisikleta ay pampasigla.  Ilalayo ka sa sakit at ilalapit ka sa iyong patutunguhan nang libre.

Bandera, Philippine news, 091310

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending