Iyah Mina sa 1st live-in partner: ‘Ipinaramdam sa akin ang pagiging babae’

Iyah Mina sa 1st live-in partner: 'Ipinaramdam sa akin ang pagiging babae'

Iyah Mina

NARANASAN ng award-winning actress na si Iyah Mina ang kanyang first heartbreak sa unang lalaking naka-live-in niya ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Teenager pa lang daw siya ay nagdesisyon na silang magsama ng kanyang unang boyfriend pero nauwi rin daw sa hiwalayan makalipas ang apat na taon.

“It was my first live-in partner for four years. Pinaramdam niya sa akin ‘yung pagiging babae.

“Kasi hindi pa ako nagta-transition (sa pagiging transwoman) nu’n pero ipinaramdam na niya sa akin ‘yung pagiging isang babae,” simulang kuwento ni Iyah sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Broken Hearts Trip.”

“And then habang masaya ang relasyon, ang pinakamasakit is du’n sa four years namin, twice lang kami nag-s*x.


“Kapag nagho-hormones ka kasi, wala kang urge, wala kang libog sa katawan so wala akong gana sa mga ganu’ng bagay,” ang rebelasyon ng aktres.

Patuloy pa niya, “So nu’ng time na ‘yun, nagpapaalam na siya while we’re making love. Tapos paggising ko wala na siya sa tabi ko. Pumunta na siya sa probinsya, tapos nag-asawa.

Baka Bet Mo: Ara Mina susubukan ang natutunang paraan para maging boy ang next baby: ‘It’s not about the position…’

“Tapos after one year nag-alarm yung phone ko, meron siyang nilagay na note na, ‘Ineksakto ko ‘to para gusto ko sabihin sa ‘yo na mahal kita pero kailangan kong gawin ito.’ Masakit kasi naka-move on na ako tapos bumalik ulit.

“Tapos ‘yun ‘yung time na binalikan ko lahat ng mga pinupuntahan namin dati. ‘Yan ‘yung sasakay ako ng bus na pumupuntang Bulacan, kung saan kami umuupo sa bus.

“Tapos bababa, tatawid sa kabila, sasakay ulit. Yung ganu’n, baliw, ganu’n. Tapos maglalaba. Kasi gawain namin maglalaba, magsasampay. Ginawa ko ‘yun.

“Pagkatuyo laba ulit. Para maka-move on. Pero matagal na ‘yun. Bagets pa ako nu’n, mga 17, 18,” pagbabalik-tanaw ni Iyah Mina.

Samantala, very proud and loud na sinabi ni Iyah na super happy siya na mapasama sa talented cast ng LGBTQ-themed MMFF entry na “Broken Hearts Trip” mula sa direksyon ni Lemuel Lorca.

“Kaya nakapasok itong pelikulang ito sa MMFF, dahil sa love talaga. Kasi December pa tamang tama, mag-spread ng love to everybody.

“Sharing itong story na ito para sa lahat, hindi lang sa LGBTQIA+ community, sa lahat. Kasi lahat tayo nasasaktan at naghihilom,” sey ni Iyah.


Sa kuwento ng pelikula, isa si Iyah sa magiging contestant sa reality show kung saan magsasam-sama ang limang brokenhearted LGBTQ individuals na bibigyan ng chance na mag-heal sa kanilang pinagdaraanan.

Baka Bet Mo: Iyah Mina natulala nang makaharap sina Janice de Belen at Jaclyn Jose: ‘Kasi pinapanood mo lang sila dati ngayon nakakasama mo na’

“Ako si Bernie dito sa pelikula, isang konteserang laging first runner up at never naging title holder. Merong jowa na si Argel Saycon, ang aking live-in partner dito at du’n na tatakbo ang kuwento,” aniya.

Kasama rin sa movie sina Christian Bables, Jaclyn Jose, Andoy Ranay, Petite at marami pang iba.

“Itong film, kahit ma-nominate lang ako it’s okay. Win na ng community ‘yun. Kasi number one, papasalamat ako sa MMFF na ngayon open na sila tanggap na nila, nino-normalize na nila na ganun talaga. Meron ng gender sensitivity,” chika ni Iyah nang tanungin kung umaasa siyang magwagi ng award sa MMFF Gabi Ng Parangal.

Ang “Broken Hearts Trip” ay isinulat ni Archie Del Mundo ans produced by Benjie Cabrera, Omar Tolentino, Power Up Workpool Inc., BMC Films, at Smart Films.

Showing na ito sa December 25 in cinemas nationwide.

Read more...