Gladys nagka-alopecia nang pumanaw ang ama: ‘Nag-manifest sa buhok ko’

Gladys nagka-alopecia nang mamatay ang ama: 'Nag-manifest sa buhok ko'

Gladys Reyes

NARANASAN din ng award-winning actress na si Gladys Reyes ang magkaroon ng alopecia, o ang matinding paglalagas ng buhok.

Ayon sa isa sa mga tinaguriang La Primera Contravida ng kanyang henerasyon, nagsimula ang pagkakaroon niya ng alopecia nang mamatay ang kanyang tatay.

Kuwento ni Gladys, isa raw sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng alopecia ay dahil sa pagpanaw ng amang si Sonyer Reyes noong 2021.

Sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, inamin ng aktres na talagang napakahirap para sa kanilang pamilya na tanggapin ang pagkawala ng kanyang ama.

Baka Bet Mo: Bianca de Vera nag-iiyak nang ma-tow ang sasakyan: Sana pinatapos muna nilang ipa-rebond ‘yung buhok ko

May mga pagkakataon daw na kinukuwestiyon din nila ang kanilang mga sarili kung saan sila nagkulang sa pag-aalaga kay Ginoong Sonyer.


“Siguro, hindi mo rin talaga, hindi ganu’n kabilis na ma-accept mo, di ba? Na minsan hahanap ka rin na what went wrong? Ano ba ‘yung medyo mayroon ba kong hindi nagawa ganyan?” sabi ni Gladys.

Baka Bet Mo: Glaiza may gustong iwan; nagpagupit ng buhok para mas mabilis maka-move on

Kaya nga pinayuhan niya ang lahat ng mga anak sa buong mundo na hangga’t buhay pa ang ating mga magulang ay iparamdam na natin sa kanila ang ating pagmamahal.

“Life is unpredictable sa totoo lang. It’s not just short but unpredictable. You don’t know what’s going to happen,” sey ng aktres.

Inakala rin daw ni Gladys na tanggap na niya ang pagkamatay ng kanyang tatay ngunit bigla na lamang niyang naramdaman niya ang matinding pangungulila habang naliligo siya matapos ilibing ang ama.

“Kailangan talaga mag-grieve ka. Hindi mo puwedeng lampasan ‘yung stage na yun. Kasi ako, akala ko, okay din ako. Tapos kasi sa isip ko, pag busy ka pala, hindi masyado masakit sa pakiramdam,” pagbabahagi ng “Black Rider” actress.


Kasunod nito, nalaman nga niya na meron siyang alopecia pagkatapos mag-shower at habang bina-brush niya ang kanyang buhok. Aniya, isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng naturang health condition ay dahil sa stress.

“Doon pala, doon nag-manifest ‘yun lahat ng stress ko pala, ‘yung palang ano ko, ‘yung hindi ko inilalabas na iyak, ‘yung hindi ko inilalabas, di ba, ‘yung stress ko, nag-manifest sa aking buhok, sa aking ulo.

“Wala akong kaalam-alam, may gano’n na pala nangyayari sa katawan ko, di ba? Kasi hindi ko, kasi tina-try ko lampasan ‘yung sakit, ano. Tinatry kong hindi iiyak, hindi i-grieve,” pagbabahagi pa niya.

Sa huli, nag-iwan siya ng mensahe para sa lahat ng dumaranas ng pangungulila at iba pang mental health problems, “Sa mga nanonood, okay po ‘yan, iiyak n’yo po, masakit ‘yan, oo. Pero hindi n’yo pwedeng lampasan ‘yan. Kailangan talaga ipagluksa n’yo ‘yan na, ‘yung pakiramdam na ‘yan, ilabas n’yo.”

Read more...