Pelikulang ‘Godzilla vs. Kong’ may follow-up film sa taong 2024

Pelikulang ‘Godzilla vs. Kong’ may follow-up film sa taong 2024

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

THE epic battle continues!

Ganyan ang naging peg ng bagong pelikula ng monster hit na “Godzilla vs. Kong” na ipapalabas sa taong 2024.

Makalipas kasi ang tatlong taon ay magkakaroon ito ng sequel na pinamagatang “Godzilla x Kong: The New Empire.”

Magbabalik mula sa previous film ang British actress na si Rebecca Hall at ang American actor na si Brian Tyree Henry, pati na rin ang English actor na si Dan Stevens.

Baka Bet Mo: Anya Taylor-Joy, Chris Hemsworth sanib pwersa sa prequel ng ‘Mad Max’

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

Mapapanood sa inilabas na trailer na isang panibagong adventure ang naghihintay para kay Kong at Godzilla na kung saan ay sabay nilang kakalabanin ang isang “undiscovered threat.”

Bukod diyan, tatalakayin din sa upcoming film ang kasaysayan at pinagmulan ng tinatawag na “Titans,” pati na rin ang misteryo ng Skull Island.

Ang American filmmaker na si Adam Wingard ang muling magsisilbing direktor ng nasabing sequel.

Mapapanood din sa pelikula ang Hollywood stars na sina Kaylee Hottle, Alex Ferns at Fala Chen.

Read more...