WALA mang binanggit na pangalan, feeling ng fans, si Daniel Padilla ang pinatatamaan ng kapatid ni Kathryn Bernardo sa ipinost nito sa social media.
Ito’y may konek pa rin sa kontrobersyal at patuloy na pinag-uusapang paghihiwalay nina Kathryn at Daniel matapos ang 11 years na relasyon.
Maraming nag-react sa Facebook post ng nakatatandang kapatid ni Kathryn na si Kaye Bernardo nitong nagdaang December 1.
Baka Bet Mo: Kylie Padilla may taong pinatatamaan tungkol sa ‘closed mentality’: I regret having you as a memory…
Ito’y may kaugnayan sa isyu ng karma na hango sa lyrics ng kanta ng American singer na si Taylor Swift na may title na “Karma.”
Ang nakasaad sa Facebook reel ni Kaye, “Karma’s gonna track you down.
“Step by step from town to town.
Baka Bet Mo: Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?
“Sweet like justice, karma is a queen.
“Karma takes all my friends to the summit,” ang buong mensahe ng sister ni Kath.
Super react siyempre ang mga netizens at agad itong ikinonek sa breakup nina Kathryn at Daniel na umano’y may kinalaman sa “cheating”.
Komento ng isang netizen, “Hugs to you ma’am kayexalate donarber I know subrang sakit sa inyu sapagkat kapatid mu ang sinaktan. Kaming mga fans niya nasaktan nang subra! How much more pa Kaya ikaw na ate.”
“Maraming babae naka relate sa sitwasyon ni Kath ngayun. aminin natin isa to sa pinakamahirap na pinagdaanan natin.. mahirap mag move on,” hirit ng isang FB user.
“Nag end daw sa respect pio sinisiraan nmn,” sey ng isa pa.
“Mas masakit talaga pag nakikita mong kung paano nasasaktan Ang kapatid,” ang sey naman ng isa pang KathNiel fan.
Unang kinumpirma ni Kathryn ang hiwalayan nila ni DJ. Aniya sa kanyang Instagram post, “Like any other relationship, we tried our best to make it work.
“We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to where we used to be. It just won’t be fair to pretend that everything is still the same.
“These past few months have been tough, but thank you for giving us the time we need to process the pain and finally face the elephant in the room.
“Our love story began with respect and ended with respect,” ang bahagi ng bahagi pa ng pahayag ni Kath.
Ito naman ng official statement ni Daniel sa hiwalayan nila ni Kathryn, “Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.
“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows. Our lives may drift away, but our love will still ride that tide,” aniya pa.