MULING masisilayan sa big screen ang iconic dystopian movie na “Mad Max!”
Ito ang prequel na pinamagatang “Furiosa: A Mad Max Saga” na pagbibidahan ng award-winning actress na si Anya Taylor-Joy.
At dahil prequel nga ito, si Anya ang gaganap na batang bersyon na heroine ng wasteland na si Imperator Furiosa.
Kung maaalala, ang orihinal na gumanap ng nasabing karakter ay ang South African-American actress na si Charlize Theron na ipinalabas noong 2015.
Tampok din sa action film ang “Thor” star na si Chris Hemsworth bilang kontrabida na si Immortan Joe.
Ayon sa Warner Bros. Pictures, ang prequel ng “Mad Max” ay iikot sa full origin ni Furiosa.
Baka Bet Mo: Prequel film na ‘Wonka’ unang ipapalabas sa Pilipinas, sey ng direktor: ‘It is the perfect Christmas movie!’
Ito ay mula nang kinuha siya sa kanyang pamilya hanggang sa mapabilang siya kay Joe bilang lider ng War Boys.
Narito pa ang nilalaman ng synopsis ng pelikula:
“As the world fell, young Furiosa is snatched from the Green Place of Many Mothers and falls into the hands of a great Biker Horde led by the Warlord Dementus. Sweeping through the Wasteland, they come across the Citadel presided over by The Immortan Joe. While the two Tyrants war for dominance, Furiosa must survive many trials as she puts together the means to find her way home.”
Bukod kina Anya at Chris, mapapanood din sa prequel ang Hollywood stars na sina Ayla Browne at Tom Burke.
Ang “Furiosa: A Mad Max Saga” ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa taong 2024.