Buntis patay nang mabagsakan ng pader habang lumilindol sa Davao del Norte

Buntis patay nang mabagsakan ng pader habang lumilindol sa Davao del Norte

PATAY ang isang buntis nang mabagsakan ng pader matapos ang magnitude 7.4 na lindol sa Tagum City, Davao del Norte nitong Sabado ng gabi.

Kinumpirma ni Defense Sec. Gilbert Teodoro ang malungkot na balita kasabay ng pag-aanunsyo na may iba pang nasaktan nang dahil sa napakalakas na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ulat, nabagsakan ng gumuhong dingding ng kanilang bahay ang ginang
sa kasagsagan ng lindol sa Barangay La Filipina, Tagum City.

Dead on arrival sa ospital ang 30-anyos na si Kenneth Joy Gemarino dahil sa matinding pinsalang kanyang natamo. Nasugatan din ang kanyang asawa at anak dahil sa lindol.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs ramdam na ramdam ang lindol sa La Union; Sunshine Guimary naiyak, na-trauma

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nang maramdaman ng pamilya Gemarino ang pagyanig ay agad silang lumabas ng bahay. Kasunod nito ang pagkawala ng kuryente at ang pagguho ng pader hanggang sa mabagsakan nga ang ginang.

Sa isang panayam, sinabi ni Ruth Sahminan, kapatid ng asawa ng nasawing biktima, na dalawang buwan nang buntis si Gemarino.

Sa katunayan, balak pa raw sorpresahin ng ginang ang asawa sa darating na December 8 tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Nagsasagawa na ngayon ng inspeksyon at assessment ang mga local government units sa mga apektadong lugar upang matukoy ang lawak ng pinsala ng lindol.

Batay sa huling ulat, isa-isa nang bumabalik sa kanilang mga bahay ang mga lumikas na residente matapos maglabas ng tsunami warning ang pamahalaan.

Read more...