“GRABE! Sobrang lakas!” Yan ang nasambit ng “It’s Showtime” host na si Jugs Jugueta sa magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao nitong Sabado.
Personal na naranasan ng miyembro ng bandang Itchyworms ang napakalakas na lindol na naranasan sa Surigao del Sur, Davao Oriental at iba pang lugar sa eastern Mindanao.
Kuwento ni Jugs, nagkaroon ng concert sa St. Joseph Institute of Technology sa Butuan City ang kanilang banda last Saturday, December 3.
“Natapos kami 10 p.m.. Naligo na kami, and ready to sleep na kasi 4:30 a.m. kami gigising for our flight tomorrow. Nag-earthquake mga 10:40 p.m.,” pagbabahagi ni Jugs sa ulat ng ABS-CBN.
Aniya pa, “Grabe, sobrang lakas! Seryoso, akala ko guguho yung hotel. Nasa 3rd floor kami. Nag-quake for what felt like more than one minute.
“Tumayo kami ni Kel (bassist ng Itchyworms) sa may frame ng door ng room namin. Sobrang dilim kasi nag-black out din.
Baka Bet Mo: Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot
“Noong medyo tumigil, we grabbed whatever we could, and walked out of the hotel. Siyempre, tumawag kami sa loved ones namin,” lahad pa ng singer at TV host.
Pagbalik daw nila sa tinutuluyang hotel, nakita nila ang extent ng damage sa building patunay na napakalakas ng nangyaring lindol.
“After several minutes, nag-on na yung generator ng hotel namin, so pumasok na kami ulit sa hotel.
Baka Bet Mo: Wish ni Jugs Jugueta na makapunta sa Egypt natupad na: Gusto kong maging archeologist noon dahil kay Indiana Jones
“Nakita namin na may mga cracks sa floor and walls ng hotel, and may mga nahulog ng parts of the ceiling,” aniya pa.
Nagdesisyon ang kanilang grupo na mag-stay na lang muna sa mas safe na lugar. Ani Jugs, after ng lindol ay nakakaramdam pa rin sila ng sunod-sunod na aftershocks.
Ipinagdasal din nila na sana’y walang nasaktan sa mga estudyanteng nasa St. Joseph Institute of Technology nang mangyari ang lindol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naganap ang lindol sa sentro ng Surigao del Sur eksantong 10:37 p.m., “42 kilometers northeast of Hinatuan town at a depth of 8 kilometers.”
Naramdaman naman ang intensity 5 sa Bislig, Surigao del Sur at Cabadbaran, Agusan del Norte.
Nag-announce rin ng tsunami alert ang Phivolcs sa coastal areas ng Surigao del Sur at Davao Oriental at agad sinabihan ang mga residente roon na mag-evacuate na sa matataas na lugar.