Kilalang veteran actor maingay habang nakikipag-sex; pinagtatawanan ng mga ex | Bandera

Kilalang veteran actor maingay habang nakikipag-sex; pinagtatawanan ng mga ex

Cristy Fermin |May 10,2019
facebook
share this

Kilalang veteran actor maingay habang nakikipag-sex; pinagtatawanan ng mga ex

Cristy Fermin - May 10, 2019 - 12:20 AM

OA! Ganu’n kung alalahanin ng mga nakarelasyon niya ang isang nagkakaedad nang male personality pagdating sa kama. Sobrang OA siya, parang palagi siyang umaarte sa harap ng mga camera, samantalang napakapribado ng kanyang ginagawa kapareha ang kanyang karelasyon.

Isang female personality ang naglantad ng pagiging OA sa pakikipagniig ng nagkakaedad nang male personality. Lolo na nga kung tawagin nito ang aktor dahil nga sa kanyang age.

Kuwento ng aming source, “Kunsabagay, kahit naman bilang artista, e, may pagka-OA ang taong ‘yun!

Produkto lang siya ng hype dahil nu’ng kasagsagan ng career niya, nu’n nagkaroon ng chance ang mga pelikulang Pinoy na maipalabas sa iba-ibang bansa.

“So, ang tingin sa kanya nu’n ng publiko, e, ang galing-galing niyang umarte. Kasi nga naman, hinahangaan sa ibang bansa ang acting niya.

“Pero mas maraming magagaling kesa sa kanya nu’n, pero naalagaan lang siya sa publicity, kaya mas umangat siya kesa sa iba niyang mga ka-contemporary. OA kaya siyang umarte!” unang chika ng aming impormante.

Maraming naging karelasyong artista ang nagkakaedad nang lalaking personalidad, pero may ilang aktres na naka-live-in niya, nagkaroon sila ng anak.

“May kuwento tungkol sa kanya ang isang sexy star na naging girlfriend niya. Talagang detalyadong ikinuwento nu’ng girl ang pagiging OA niya sa kama.

“Mahilig daw siya sa trash talk. Maingay sa kama ang nagkakaedad nang aktor, sinasadya pala niya ‘yun para mas uminit ang ka-partner niya sa paglipad sa kaligayahan. Meron pa siyang dramang malapit na siya pero hindi naman totoo!

“Kiyemeng gustung-gusto na niyang magpasabog ng nektar ng kaligayahan, pero nagpipigil lang siya, dahil inuuna niya ang happiness ng kanyang partner.

“Napaka-OA kuno ng lalaking ‘yun na pagkatapos nilang magpakaligaya ng girl, e, may drama pang nakatatlong putok kuno siya! Ganu’n?

“Naku, pinagtatawanan kaya siya ng mga nakarelasyon niya? Walang naniniwala sa mga pinagsasasabi niya habang nagpapainit pa lang sila ng girl na may-I-come na kuno siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bigyan na lang kaya niya ng sustento ang anak niya sa isang girl, tantanan na niya ang mga drama niya na sa age niya ngayon, e, kakabugin pa niya sa kama ang mga young actors d’yan!

“Hooooyyyy!!!! Pag-aralan muna niyang tumanaw ng utang na loob, ‘no! Kilalang-kilala n’yo kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending